sindakan lang ‘yan

pahirapan sumakay ng taxi sa lugar namin dahil bukod sa trapik halos nobenta porsiyento yata ng pasahero na sumasakay dun minimum lang ang ibinabayad dahil puro sa malapit
na metro station lang nagpapahatid. bakit ka nga naman sasakay ng taxi hanggang sa mismong pinapasukan mo kung pwede ka naman magpahatid hanggang train station lang na bukod sa laking tipid na makakaiwas ka pa sa trapik ..at kung tipikal kang katulad ng iba maliban sa akin syempre ang mas pinakamatimbang na dahilan nagte-train ka para may makasakay at makatabing seksing babae. 
dahil nagsisimula ng lumamig ang panahon dito pahirapan ng bumangon tuwing umaga,
1395441_orignung tinignan ko ang oras pagtapos kong maligo medyo aabot pa naman ako sa tamang oras tingin ko pero ayun e ‘yung tipong kapag nalaglagan ka ng barya at pinulot mo mali-late ka na.
sinwerte naman ako na walang dinatnang pila sa may tapat ng building namin para maghintay ng masasakyan at wala pang limang minuto may huminto ng taxi sa harapan ko.

salin sa tagalog:

Driver: saan ka?
Ako: sa train station lang.
Driver: padiretso ako sa (lugar na dalawang station ang layo sa akin) dahil tapos na ang duty ko.

alam ko na kapag ibinaba ako nitong driver na ‘to mahihirapan na akong makasakay ulit.

Ako: bakit ka nagsasakay ng pasahero kung tapos na pala duty mo?
Driver: nagsasakay ako pero hanggang dun lang sa malapit sa pagpapasahan ko nitong taxi dahil nga tapos na ang duty ko.
Ako: ahhh namimili ka ng pasahero? gusto mo ng problema ha! ihatid mo ako kahit saan mo gusto pero ibigay mo sa akin ang resibo pagkababa ko.
Driver: blah blah blah
Ako: sa gobyerno ako nagtatrabaho (sabay labas sa wallet ng kalahati ng ID ko)

ang masama tinignan ng driver ‘yung ID ko anlaki laki ng nakasulat dun na IT ako sa isang eskuwelahan kaya kailangan kong magpalusot dahil kumbaga kasubuan na ‘yan.

Ako: Sheikh ang may ari ng eskuwelahan na ‘yan.
Driver: ahhhhh ok, sir. (sabay abot sa akin ng ID ko)
Ako:
ihahatid mo ba ako sa train station o magkakaproblema tayo?
Driver: ihahatid na, tapos na ang duty ko pero gagawin ko ‘to para sa’yo.
Ako: mabuti.

maya maya may kinausap sa telepono ‘yung driver gamit ang lenguwahe nila, kinabahan ako naisip ko na baka tumatawag s’ya kung sino para isumbong na may gumagamit sa pangalan ng Sheikh.

Ako: alam mo bang bawal magtelepono habang nagdadrive?
Driver: sorry, sir. (sabay baba ng telepono)
Ako:
mabuti.

pagdating namin sa train station hindi pa din s’ya tumitigil ng litanya kung papaanong tapos na ang duty n’ya pero hinatid n’ya pa rin ako dahil kesyo mukha akong mabait at “my friend” n’ya ako. nung nasa station na ako sinilip ko s’ya at hindi ako nagkamali ng hinala dahil kung tapos na ang duty n’ya talaga dapat hindi na s’ya pumila sa pilahan ng taxi. sinungaling!
nakita ko s’yang bumaba ng sasakyan at may kinausap na kapwa n’ya driver din habang nakahawak s’ya sa sariling dibdib n’ya.. naimagine ko kung anong sinasabi n’ya sa kausap n’ya.

“pare, muntik na akong mapahamak empleyado sa gobyerno pala ‘yung naisakay ko…”

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “sindakan lang ‘yan”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s