taragistagish

isang taon na din ang nakalipas nung binuo ko sa utak ko ang konsepto ng taragistagish sa tumblr, kumbaga sa isang establisimentong itinatayo pa lang hilaw at kulang ang mga materyales na ginamit sa proyektong iyon, isang halimbawa dun ang unang display picture na ginamit ko.. larawan ng pusa, isang hayop na kung hindi ko sisipain ay walang halaga sa akin. taragistagish na yata ang isa sa may pinakasimpleng disenyo sa tumblr, puting kabuuan na kusang pinagdamutan ng arte kaya sa tingin ng iba kung iyon ang pagbabasehan parang hindi daw pinagisipan pero para sa akin ikinukumpara ko ‘yun sa isang opisinang walang kagamitan sa loob bukod sa mesa at upuan na mag aalok sa’yo ng trabaho pero kailangan mo munang maglabas ng pera at dahil nga konti ang laman ng opisina pagkakuha n’ya ng gusto n’ya sa’yo madali silang makakalipat ng ibang lugar, fly by night.
natatawa pa rin akong paglaruan sa isip ko kung ano kaya ang tumatakbo sa isip ng mga karamihan na lumabas sa taragistagish, sa paningin nila ako ang kawawa at walang magawa sa buhay samantalang malinaw na sila ang mas nanlilimos ng atensyon. sila ‘yung mga kinakailangan pang magpakita ng laman nila para lumimos ng pansin sa internet at kanino nila hinihingi ‘yun? sa mga lalaking walang ginawa kundi mag abang ng huwebes para makakita ng hubad na katawan.
at nagkataon lang na andun din ako hindi para maghanap ng inspirasyon kundi para maghanap ng pagtatawanan at sa oras na lumabas sila sa blog ko ako na ang bastos at walang respeto, hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung papaano naging kasalanan ang magpaka captain obvious sa mga bagay na alam na alam na naman ng lahat. ang pagkaka iba lang namin ng mga pumupuri sa inyo ay ‘yung intensyon, dahil hindi katulad nila hindi ako naghahangad na bilugin ang ulo n’yo para lang makaiskor sa inyo pero alam mo ba ang “masakit” na pagkakapareho naming lahat? ang masagwa sa paningin ko ay masagwa din sa mga mata nila pero ako lang ang may boses na sabihin ‘yun ng harapan sa’yo.
may isang blog sa internet na nagsilbing boses ng iba para sa kung ano ang masagwa sa nakikita naman ng lahat. maraming natawa at natuwa at marami din s’yempre ang nagalit at napikon, nakakalibang ang blog na ‘yun pero oras na makita mo ang pangalan at larawan mo na nakaposte dun bigla na lang sa paningin mo ang buong website ay tungkol na sa’yo, ganun kalaki ang tingin mo sa sarili mo. mag iipon ka ng lakas ng loob para ipost ang picture mo kahit na alam mo naman na masagwa iyon, nalilibang ka sa mga pekeng papuri. ayun ang masama pag inuuto ka lang, lumalakas ang kumpiyansa mo at bilib sa sarili kaya imbis na asikasuhin mong punuan ang kakulangan mo ipinagsasawalang bahala mo na lang ‘yun, nilalasing mo ang sarili mo sa dapat sanang panghilamos mo lang.
nakakatawa ‘yung mga natatanggap kong mensahe bago mawala ang blog, puno ng pananakot at pangungunsensya meron pang nanggaling sa pari hindi ko alam kung papaano pumasok sa isip nila na pag nakabasa ako ng ganun baka sakaling maisipan kong bawiin ang nasabi ko na at magpakatino.
nawala man ang taragistagish sa tumblr hindi nangangahulugan nun na may nagbago na sa sitwasyon. ang masagwa ay mananatiling masagwa at hindi magiging mabango ang mabaho pag tinakpan mo ang ilong mo, tinatanggalan mo lang ang ilong mo ng kakayahan na gawin ang silbi n’ya pero hindi nabago nun ang realidad na may tae sa harapan mo.

lahat naman tayo nagpapapansin lang sa internet huwag na tayong magpaka ipokrito.

hanggang kelan mo kaya kakayaning takpan ang ilong mo bago ka kapusin ng hininga at walang mapagpilian kundi dakutin na lang ang tae sa harap mo?

capture

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “taragistagish”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s