paratha egg roll with melted cheese and cucumber

o kung dati tinuruan kita nito

ngayon naman tuturuan kitang magluto ng paratha egg roll with melted cheese and cucumber.

gusto mo ba ng miryenda na madali lang gawain pero hindi magkamayaw ang sustanya at garantisadong masarap?

hindi? pwes umalis ka dito sa blog ko at magbukas ka na lang ng delatang pork n beans at namnamin mo ang lasang sugat na pagkain na ‘yun.

kung oo naman ang sagot mo, ngayon pa lang kinakamayan na kita bilang pagbati sa napakasarap na miryendang ito at sa kakayahan mong mag desisyon ng tama para sa sarili mo.

mga sangkap:

1

1. keso – kahit anong keso, bahala ka na.
2. cucumber – bago ka bumili n’yan itanong mo muna sa nanay mo baka may natatago s’ya sa kwarto n’ya para hindi sayang ang pera mo. ..joke lang.
3. itlog – dalawa, isa, bahala ka na din d’yan.
4. paratha – kung hindi mo alam ‘yan sa susunod na mag grocery ang nanay mo magpabili ka sa kanya malamang alam n’ya ‘yan, dapat nga s’ya ang nagluluto para sa’yo e.
5. pamintang durog at iodized salt – wala sa picture dahil hindi ko mahanap sa lalagyan namin.

mga hakbang:

1. painitan sa kawali ang paratha hanggang mag kulay brown tapos baliktarin mo, madali lang maluto ‘yan kaya ‘wag ka ng mag internet sa celfone mo.

2

2. balatan, hiwain, at hugasan ang pipino.

3a

3. kung mabilis ka magbalat ng pipino katulad ko saktong pwede ng hanguin ang paratha mo bago ka pa matapos d’yan, lagyan ng asin at paminta. (ganyan magiging kulay nun pag hindi ka nakinig sa akin na ‘wag kang magcelfone habang nakasalang ‘yan)  *sa ibang lalagyan ko pa nahanap ‘yang asin at paminta mukhang may nagbalak pang mangklepto sa mga kasama namin sa bahay!

5a.jpg

4. ilagay ang mga sangkap ng maayos at patas tapos dahan dahang irolyo ang paratha. (mabibigo ka sa inaasahan mong joke tungkol sa pagbabalot ng marijuana dito dahil hindi ako ganun kababaw na uri ng tao) pasensya na kung parang andumi ng kamay ko sa picture ha, perpekto ka yata e!

7a.jpg

5. tapos na, ano pang inaasahan mo? magtimpla ka na din ng tsaa o kung ano mang gusto mong inumin.

8.jpg

6. oh ano mukhang masarap ‘no? gago! wala ka kaseng tiwala sa akin kahit kailan.

9.jpg

note:
siguro nagtataka ka kung asan na ang partisipasyon ng itlog, ikinalulungkot ko na hindi ko na s’ya isinama dahil wala na pala kaming mantika.

sos! ‘wag mo ng intindihin kung may natutunan ka sa akin ngayong araw, maliit na bagay lang ‘yan at wala lang sa akin ‘yan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “paratha egg roll with melted cheese and cucumber”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s