araw ng kagitingan

sa iba ang kaarawan ay basta numero lang na idadagdag sa idad nila at bilang ng taon ng pamamalagi nila dito sa mundo pero para sa akin kung mas palalalimin pa ang kahulugan nun ito ay tagumpay ng nanay ko sa pagaalaga ng isang sanggol na sakitin, pagiintindi sa batang nagpupumilit magrebelde, at pagpapaalpas sa anak na pinatibay ang mga pakpak ng panahon at sariling karanasan. kagabi pa ako nakakaramdam ng lungkot na hindi ko alam kung saan nanggagaling, nalulungkot ba ako dahil bertdey ko at malayo ako sa amin? kalokohan, pang apat na bertdey ko na sa bansang ‘to at isa pa kung nasa amin din naman ako malamang ako din lang mag isa ang magiinom katulad ng mga sinundang bertdey ko. siguro ganun lang talaga, nasa idad na siguro ako na tuwing nadadagdagan ang idad mo kailangang obligahin mo ang sarili mo na magpakamatanda at sa totoo lang sa dahilan na ‘yan naipagkakamali ko lang siguro na lungkot ang takot na nararamdaman ko.
nahihirapang sumabay ang unti unting pagtanda ko sa mabilis na pagbigat ng mga obligasyon sa balikat ko, ang gusto ko lang dati umidad ng disiotso para legal na makapasok sa mga sinehan na nagpapalabas ng mga pelikulang pang matanda, hindi ko naman inakala na pagtuntong mo ng idad na ‘yun magdidire diretso na ang lahat at ayun nga nagising na lang ako kanina na trenta’y kwatro na ako.
ito ang idad na kung babalikan mo ang mga naunang taon mo mas panghihinayangan mo ang mga bagay na hindi mo nagawa kesa pagsisihan ang mga bagay na ginawa mo dati na hindi pumabor sa’yo ang resulta. mananatiling palaisipan sa’yo ang mga tanong na nagmula sa mga bagay na hindi mo ginawa at ang lahat ng problemang idinulot sa’yo dati ng mga maling desisyon mo ay magsisilbing aral na lang sa’yo ngayon.
ilang taon ko din ang nasayang sa paghahanap ng mga posibleng sagot sa mga imposibleng tanong na ako din mismo ang naghain sa sarili ko. nagsilbing hamon sa akin na resolbahin ang mga problemang ako din ang may gawa at naging mas mahirap ang lahat dahil sa tuwing magsusumikap ako at nabibigo na punan ng sagot ang mga patlang sa buhay ko naiiwan akong blanko at mag isa sa dilim, hanggang sa nagsawa ako o siguro mas tamang gamitin ang salitang napagod at sa desperasyon ko na mailagay sa tama ang lahat inasahan ko na lang na ang lahat ng sagot ay unti unti at kusa kong makukuha habang nadadagdagan ang idad ko.
..pero mali, habang nagkakaidad ako mas lalong nagiging mabigat ang mga tanong at nagiging mas mailap ang mga sagot.
para sa iba ang kaarawan ay isang simpleng dahilan lang para makapagyaya ng inuman na maliit ang posibilidad na matanggihan sila pero para sa akin sa mas malalim na kahulugan, ang kaarawan ay isang hakbang pasulong para sa nalalapit na pakikipagkita natin sa mga mahal natin sa buhay na nawala na.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “araw ng kagitingan”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s