buti pa dati

habang nadadagdagan ang kaalaman natin mas lalo tayong nagiging tanga.

bakit?

nung bata ka pa takut na takot kang umakyat sa matataas dahil alam mong masakit pag nalaglag ka pero ngayon nasa harapan mo na ang lahat ng senyales na masasaktan ka hinayaan mo pa rin ang sarili mo na mahulog sa kanya.

nung minsan kang napaso sa kandila hindi ka na ulit nagtangka na hulihin ng mga daliri mo ang apoy nun, ngayong malaki ka na habang nasasaktan ka mas lalo ka pang lumalapit.

dati hindi ka maloloko ng ibang tao kahit bigyan ka pa ng kendi, ngayon kaya ng paikutin ang buhay mo ng isang “i love you” lang.

takot ka sa clown dati kahit ano pang pagpapatawa at mahika ang gawin n’ya sa harapan mo, ngayon basta masaya lang kausap mahal mo na.

dati gusto mong tumakbo pag nakakakita ka ng taong nakamaskara, ngayon display picture pa lang ang nakikita mo gusto mo ng pakasalan.

nung bata ka pa pag pinangakuan ka ng isang bagay at hindi natupad hindi mo ‘yun nakakalimutan, ngayon tambak na ang mga kasinungalingan sa harapan mo nakahanda ka pa rin magpatawad.

noon pag sinabihan kang tanga napipikon ka at handa kang makipag away, ngayon pag sinabihan kang tanga ang sinasagot mo lang “e mahal ko kase” sabay iyak at yakap sa sarili mo.

noon pag may masakit sa’yo itulog mo lang magaling ka na kinabukasan.

dati pwede mong labanan ang sakit basta hindi mo ‘yun nakikita kaya nga pumipikit ka pag iniiniksyunan ka.

..mabuti pa dati.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “buti pa dati”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s