tanong sagot 29

mula sa: TANONG / SAGOT

T. nalaman ko na kabit ako, pero mahal ko ang boyfren ko na may asawa na? anong gagawin ko kung di ko sya kayang i let go kung kumakapit pa din sya saken .parehas kaming nagmamahalan.
S.  ilagay mo sa isip mo na ang minahal mo ay ‘yung boypren mo na wala pang asawa at hindi ‘yung ngayon na may asawa na, magkaibang tao ‘yun.  timbangin mo muna lahat kung anong magandang dahilan n’ya para ilihim sa’yo ‘yun at kung anong dahilan kung bakit kailangan ka pa n’ya sa buhay n’ya kung may asawa na pala s’ya, may problema ba sila kaya ka n’ya kailangan? pwes, kailangan ka n’ya para saan? gulong na reserba ba o ashtray na tambakan ng yosi pag mapait na sa panlasa? bigyan mo ng oras ang sarili mo na hanapan ng sagot ang mga tanong na ‘yan at pagkatapos nun tsaka mo asikasuhing hanapan ng sagot ang hindi masyadong importanteng tanong mo tungkol sa kung anong gagawin mo kung hindi mo s’ya kayang iwan dahil nagmamahalan kayo.

T. sa plagay mo ba seryoso saken ang boyfren ko khit nalaman ko na may asawa na pla sya? pero nkkpag commuicate p din sya saken? dapat ko n bang itigil tong relasyon namin khit sobra ko syang mahal?
S. malinaw na itong huli mo lang nalaman na may asawa na pala s’ya kaya ibig sabihin niloko ka n’ya nung una pa lang at ang relasyon n’yo ay nagsimula sa lokohan kaya sa tanong mo kung dapat mo na bang itigil ang relasyon n’yo.. natural! pwera na lang kung luko luko ka.

T. bakit ayaw mo pakita mukha mo? cute ka kaya? hmmm..
S. hindi importante ang mukha o itsura ng nagsusulat para maitawid n’ya ang gusto n’yang sabihin para sa mambabasa n’ya, kumbaga sa gera ang manunulat ‘yung sundalo na bumabaril sa hangin patama sa mambabasa na hindi n’ya nakikita at mas gusto ko na sa minsan na masasapul kayo ng bala ko ang unang pumasok sa isip n’yo ay galing ‘yun sa isang mandirigmang sundalo at hindi sa kung anong itsura nung may hawak ng baril.

T. papaano ang ligaw ala joncabron?
S. hindi ako naniniwala sa ligaw, parang pag apply lang ng trabaho ‘yan tatanggapin kita kung may nakikita akong potensyal sa’yo at ang pagbabasehan ko dun kung papaano mo dalhin ang sarili mo habang kaharap kita at hindi ‘yung kung anong sinulat mo sa papel na inihahain mo sa akin tsaka mo na patunayan ang galing at ipakita ang mga kaya mo pag nagsisimula na tayo.

T. naexperience mona ba magtikol sa opisina o public na lugar?
S. gago ka ba! bakit ko sasagutin ‘yan e kung mabasa ‘yan ng nanay ko .. o kaya ng boss ko?! ulul!

T. like kitang maging bf saya mo kasama siguro
S. ikinalulungkot ko pero mas masaya akong kakwentuhan at kalandian kesa karelasyon, seryoso.

salamat sa mga nagtanong at sa’yo na nagbasa.
Jon Cabron
TANONG / SAGOT

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.