BSrelationship

nakakatakot ang biglang pumasok sa isip ko habang nilulunod ko ang mukha ko sa patak ng shower kanina, masaya naman ako kung nasaan ako ngayon at kahit papaano proud naman ako sa kung anong narating ko pero hindi ko maiwasan hindi magkaron ng panghihinayang pag pinagiisipan kong mabuti ang lahat.
kung iisa isahin at uumpisahan ko sa simula sana hayskul pa lang inayos ko na ang lahat para mas nagkaron sana ako ng gana at yabang na panindigan ang kolehiyo. wala akong inatupag nung hayskul kundi makipag relasyon na ayos sana kung pagiging inspirado ang paguusapan pero ang mahirap sa akin kung relasyon ang kalakasan ko, relasyon din ang mismong kahinaan ko. wala akong naging maayos na relasyon sa buong buhay hayskul ko kaya ang pagkakaiba iba lang nila mas matagal akong  nagsayang ng oras sa isa kesa dun sa iba. normal akong estudyante nung hayskul at may mga iilan din naman akong kaibigan, ayun nga lang mas pihikan pa ako sa kakaibiganin kesa sa rerelasyunin ko. mabilis na nangalahati ang sampu dahil sa dahilan na ayaw sa kanila ng karelasyon ko at hindi din nagtagal nung kinailangan ko na rin na umiwas sa limang natira dahil naman sa kabaliktaran na dahilan, sila naman ang may ayaw sa karelasyon ko. hindi na kailangan pang pag isipan ang mabigat na desisyon na ‘yan nung mga panahon na ‘yun, hindi mo obligasyon na gustuhin kung sino man ang karelasyon ko pero wala kang karapatang ayawan s’ya. malabo pero ayan ang naging batas.
mahigit kalahati ng buhay ko sa hayskul naubos lang sa salit salitang pagbuo at pagwasak ng iba’t ibang relasyon kaya nung natapos ko ‘yun pinili kong magpahinga muna, hindi sa pakikipag relasyon kundi sa pag aaral. galit na galit ang tatay ko sa akin kaya matapos ang tatlong mata sa matang pag uusap at may ilang galong luha at isang taon ng pamamahinga napilitan akong bumalik ng pag aaral para sa kursong hindi ko alam kung saan ko napulot.
sobrang malawak ang mundo ng kolehiyo para isang tao na hindi sanay ng mag isa at laging nakadepende na may kapareha kaya bago pa ako malula ng tuluyan sa lawak nun at mawalan ng balanse wala pang tatlong linggo nasa loob na naman ako ng isang relasyon na sa kasamaang palad nung tuluyan ko ng nakumbinsi ang sarili ko na hindi bagay sa akin ang magluto at tamad akong umiwas sa talsik ng kumukulong mantika nag wakas din ang relasyon na ‘yun ilang araw matapos kong iwan ang malawak na mundo ng kolehiyo at pumasok sa mas magulong relasyon.
kulang ang isang taong pamamahinga para mapag isipan ko kung saan ko ipupwesto ang sarili ko sa tunay na mundo. tatlong beses kong tinangka na magtrabaho at dalawang beses akong nakapasok, isang first day last day at isang sampung araw lang ang itinagal ko. hindi ako pwede sa mahirap na trabaho kaya pinagsumikapan ko na kumbinsihin ang nanay ko na kumbinsihin ang tatay ko na sumugal ulit sa akin para makapag aral ako ulit. gusto nila akong mag aral sa maayos na eskuwelahan at kumuha ng kurso na matatag pero hindi iyon ang plano ko, ang gusto ko lang makatapos ng kahit na ano at hindi ko sila gustong sumugal ng buo kasama pati pato sa isang manok na kung ilang ulit ng nabalda sa sabong.
bago pa lang ako pumasok ulit bilang estudyante mas magaling na ako sa mga teacher ko, totoo walang yabang. mas advance ang kaalaman ng mga teacher ko kesa sa akin pero mas malawak ang kung anong alam ko. sa wakas makalipas ang ilang patalong sugal at nawasak na relasyon natagpuan ko na kung saan ko ipupwesto ang sarili ko sa tunay na mundo. kung gugustuhin ko pwedeng ako ang magtapos na pinaka “mahusay” sa klase namin pero gaganahan ka bang pumasok kung alam mo na mas “mahusay” ka pa sa mga magtuturo sa’yo? natuklasan ko na mas marami akong matututunan sa harap ng computer ko sa bahay kesa sa computer sa eskuwelahan sa harap ng teacher ko, hindi na ako nagpapasok. bumalik na naman ako sa dating sira ng ulo ko, wala akong pakialam sa lahat ang gusto ko lang makatapos.
sa araw ng pagtatapos nung klase na ‘yun ibinigay nila ang parangal para sa pina “mahusay” na estudyante sa pinakamasipag pumasok. hindi ako sumipot para umakyat ng entablado.

naisip ko kanina kung inayos ko sana ang pag aaral ko mas nasa magandang pwesto sana ako ngayon at mas mapaglalaruan ko sana kung anong mga kaya kong gawin. at ‘yung isa sa malaking dahilan kung bakit nagulo ang pag aaral ko, ‘yung pakikipag relasyon? hindi naman ako naging magaling tungkol dun.
ang kinakatakot ko lang kung bakit ko naisip ang mga ‘yan kanina baka senyales na ‘yan na tumatanda na ako at hudyat na din para magseryoso ako sa buhay, syet!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s