makikisakay lang

ayan na nga ba ang sinasabi ko! kaya nga ba hindi ako pumapatol basta basta ng walang halong pag iingat, natural uunahin mo muna ang kaligtasan mo bago ang kung anong makamundong pagnanasa meron ka tsaka sa lahat talaga ng pagkakataon kailangan wais ka at tuso. ..tsaka ayun nga pala huwag kang papatol sa alam mong may nagmamay ari na, maniwala ka sa akin mahirap malagay sa sitwasyon na sa bandang huli pagsisisihan mo na sana nagsaltik ka na lang sa banyo hindi ka pa nalagay sa alanganin. minsan ko na din naranasan na ilublob ang paa ko sa kaparehong ilog na ‘yan para sukatin ang temperatura ng tubig at mabuti na lang nagawa ko pa ring bawiin ang paa ko sa pagkakalubog sa ilog bago  pa mahulog ang buong katawan ko dun. nasa kolehiyo ako nun nung hindi sinasadyang magantihan ko ng inosenteng kindat ang malambing na ngiti ng babaeng nasa parehong kurso ko pero nasa ibang klase, tawagin na lang natin s’ya sa pangalang “christina” dahil sa malaking pagkakahawig n’ya kay christina aguilera nung mga panahon na ‘yun at sa totoong dahilan na nakalimutan ko na ang totoong pangalan n’ya.. at sa totoo lang pati ang itsura n’ya kaya imbento na lang din ‘yang christina aguilera na ‘yan.
may mga kung anu anong palaro at patimpalak sa eskuwelahan namin nun nung una kaming nagkita at nagkapalitan ng pangalan, naging kilala ang pangalan ko sa kurso namin dati dahil sa isang proyekto na pinagawa sa lahat na ako lang ang nakatapos kaya “alam ko” ang sagot n’ya nung binanggit ko ang pangalan ko sa kanya, magandang simula sana pero halos napapangalahati n’ya pa lang ang softdrinks na inilibre ko sa kanya nung may tumawag sa pangalan n’ya, hindi naman s’ya naging bastos at ipinakilala n’ya sa akin ‘yung lalaki sa harap namin na boyprend n’ya daw ..at ako, si jon, ‘yung gumawa nung program dati?
nakaramdam agad ako ng malamig na pakikitungo dun sa lalaking ‘yun na kamukha nung laging humahabol at gumugulpi kay nobita ng doraemon

dagul

tatlong beses ko lang nakitang tinignan ako nung lalaking ‘yun habang pinapakilala ako sa kanya, ‘yung una isang blankong tingin na mas tumama sa mountain dew na iniinom ko kesa sa mismong mga mata ko at ‘yung pangalawa na isang galit na sulyap ng nagtatanong na mga mata kung bakit kami magkasama nung gerlprend n’ya at ‘yung huli, matalim at may pagbabanta ng papatayin kita pag nakita pa kitang kasama s’ya.
sineryoso ko ang bantang ‘yun at napagsumikapan ko naman na makaiwas kay christina hanggang abutin ng ilang linggo na lang at pare pareho na kaming magtatapos sa kurso namin, wala ng sumiseryoso sa klase nung mga panahon na ‘yun dahil alam na ng lahat kung nakapasa ka ba o hindi kaya ang mga natitirang mga araw na ‘yun ipinapasok lang ng mga teacher para manghingi ng kung anu ano sa mga esudyante n’ya at pinapasukan naman ng mga estudyante para sa baon at pag porma.
nagyoyosi ako sa labas ng eskuwelahan nun nung naaninag ko sa kabilang kalsada ang isang pamilyar na mukha na maya’t maya natatabingan ng mga dumadaang sasakyan. nagmamadali akong bumili ng babolgum sa tindahan na kinakatayuan ko para matabunan ng tamis ang lasa at amoy ng dalawa’t kalahating yosi na magkakasunod kong inubos sa pagtambay dun, dinilaan ko ang likod ng palad ko at pinalipas ko ang sampung segundo bago ko inamoy ang laway dun at nung nakumpirma ko na hindi na ganun kaamoy ang yosi naglakad ako paabante papunta sa kabilang kalsada kung saan nakatayo si christina kasama ang iba pang mga estudyante na naghihintay din makatawid.
maliksi kong nailagan ang unang dalawang sasakyan habang nakadiretsong paunat ang dalawang braso ko sa likod at bahagyang nakayuko ang bewang ko ilang hakbang patawid para makarating sa kalahati ng kalsadang kinakatayuan ni christina, nakita ko ang nag aalalang tingin n’ya na sinalag ko naman ng ngiti na mayabang na nagbibigay ng kasiguraduhan na alam ko ang ginagawa ko at kaya kong lagpasan ang mga sasakyan na humaharang sa akin para makarating sa pwesto n’ya.
alam mo ‘yung itsura ng saranggola habang bumabagsak matapos maglulumikot sa langit tapos biglang nawalan ng hangin? ganun ang itsura ko nung nagrehistro sa utak ko kung sino ang katabi ni christina at kung tumatagos lang ang matalim na tingin malamang mahuhulaan ng iba pang mga naghihintay na makatawid sa kalsadang ‘yun kung ano ang inalmusal ko nung araw na ‘yun.
ang maganda lang sa akin madalas na tinutulungan ng pagkataranta ang utak ko para mag isip ng kung ano ang pinaka tamang reaksyon at gawin sa mga sitwasyon na ganun kaalanganin, ilang hakbang bago ako makarating sa kinakapwestuhan nila mula sa gitna ng kalsada pinara ko ang jeep na dumadaan at sumakay dun at hindi na ako nag abala pa na lumingon.
hindi na rin ako pumasok mula nung araw na ‘yun at hindi na rin ako nag abalang umakyat sa stage para kunin ang diploma ko nung araw ng graduation namin.
..at tungkol sa pagiging tuso, natuto na ako kaya ngayon dalawang batas lang ang sinusunod ko sa buhay pagdating sa ganyan. una, hindi bale ng ako ang may sabit huwag lang ‘yung babae dahil sa kahit na anong pagkakataon mas kaya kong kontrolin ang kung anong nasasakupan ko.
pangalawa, hindi ako nakikipag landian sa mga babaeng ubod ng ganda sa loob at labas man ng internet para kung sakaling magkamali man ako ng pagpili at nagkataon na may boyprend na pala s’ya alam ko na hindi ako masyadong makakasakit.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “makikisakay lang”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s