federer

kung matagal ka ng nagbabasa sa blog ko o sumusubaybay sa twitter ko malamang alam mo na hindi ako katulad ng pangkaraniwang lalaki dahil wala akong sports at 3 inches lang ang ano ko. ang totoo, walang kinalaman ‘yung huling sinabi ko na ‘yan para sa entry na ‘to.. nabanggit ko lang naman ‘yun.
sumubok din naman akong magbasketbol nung kabataan ko kasama ang mga pinsan ko pero dahil lumaki akong sakitin na bata madalas akong mapagalitan ng nanay ko tuwing umuuwi akong pawisan galing sa paglalaro, hanggang dumating ako sa punto na hindi na sapat ‘yung libang na nakukuha ko sa paglalaro nun kesa sa latay na dinadanas ko sa palo ng nanay ko at unti unti nawalan na din ako ng interes. siguro kung paglalaruin ako ngayon ng basketbol kaya ko pa rin naman pero malamang hindi ko na kayang maglaro ng tama. ako ‘yung tipo ng bata na naiiwan sa paglalaro ng tau tauhan sa lupa tuwing magtatakbuhan na ang mga kalaro n’ya para manood ng PBA sa tv. hanggang ngayon wala akong interes sa kahit na anong sports maliban sa boxing. nakakita ka na ba ng isang pares ng unggoy sa isang grupo na nagkakagatan at kalmutan? pansinin mo kung papaano maghiyawan ang mga ibang unggoy na nanonood sa kanila at ‘yung iba nagpapalakpakan pa habang inuuga nila ‘yung mga sangang tinutuntungan nila, tingin ko sa kanila natin nakuha ang pagkahilig natin sa panonood ng mga kabrutalan. hindi din ako naniniwala na ako lang dito ang nanonood ng circus o mga sayawan na nagliliparan sa ere ang mananayaw para talaga sa intensyon na malibang lang talaga kundi para mag abang ng kapalpakan o aksidente, ipokrita ka kung sasabihin mo na hindi tayo magkatulad.. o kaya mahinang klase ka ng tao at ikaw ‘yung tipo ng estudyante dati na dahil takot mabasted pag nagbigay ng sulat sa crush n’ya “from secret” ang ipipirma at kunyari may nagpapabigay lang, supot!
ilang buwan na rin ang nakakalipas nung napadaan ako sa tindahan ng NIKE at nakabili ng sumbrelo na may nakasulat sa likod na ilang araw ko ng suot bago ko nabigyan ng atensyon, “FEDERER”. at ang katibayan na binili ko ang sumbrelong ito dahil sa nagandahan ako sa porma at sukat n’ya sa akin imbis na sa kung anong nirerepresante n’yang team? ni hindi ko tinangkang hanapin man lang sa google kung ano ang ibig sabihin nung nakasulat na ‘yun, para sa akin katulad lang ‘yan ng bulls ng chicago sa nba o ng sharks ng san jose sa hockey at ng san miguel ng ginebra sa pba.
sasampalin ko ng malakas na OO sa bunganga ang kung sino mang korni na magtatanong sa akin ng “so sa tingin mo ikinaguwapo mo ‘yang sumbrelo na ‘yan?” dahil sa totoo lang, pag suot ko ‘yun hindi ako nagiging basta mayabang lang nagkakaron pa ako ng kumpiyansa sa sarili ko. kaya din napagdesisyunan ko na pati sa hotel na pinagtatrabahuhan ko kailangan suot ko ‘yun. maayos naman ang lahat hanggang kagabi nung may nakasakay akong egoy sa elevator na pumwesto sa may likuran ko, pinapanood ko ang repleksyon n’ya mula sa pintong stainless nung elevator sa harap ko kung papaano n’ya pagkatitigan ang suot kong sumbrelo, hindi maitago sa ubod puting mga mata n’ya ang inggit. kunyari akong nagulat nung nagsalita s’ya na isasalin ko na lang sa tagalog dahil gusto ko at blog ko ‘to kaya wala kang pakialam:

Egoy: ganda ng sumbrelo!
Jon: salamat.
Egoy: federer fan?
Jon: oo (kasinungalingan!)
Egoy: ahh may alam ka bang laruan ng tennis dito sa dubai?
Jon: wala e.
Egoy: pero naglalaro ka ng tennis?
Jon: hindi.
Egoy: (natawa) ahhh ibig sabihin cap lang ‘yan? (sabay turo sa sumbrelo ko)
Jon: oo, pero kilala ko ang tennis team na ‘to.
*letseng elevator ‘to ambagal*
Egoy: ahhh sige.

natapos ako sa dapat kong gawin sa taas at nakabalik na ako sa opisina ng IT sa baba pero nahihiwagahan pa rin ako sa reaksyon nung negro sa naging usapan namin dahil pakiramdam ko may halong kasarkastikuhan ang tono n’ya. pag uwi ko sa bahay ko na naisipang hanapin ang kasagutan dun. hindi pala team ang federer, apelido pala ‘yun at iisang tao lang s’ya.
naalala ko tuloy nung unang tuntong ko sa kolehiyo na halos tangayin ako ng yabang tuwing naglalakad ako sa university dahil pakiramdam ko ansosyal sosyal ng pantalon ko na may tatak na BNY sa likuran, nung binili ng nanay ko sa akin ‘yun bago magpasukan tuwang tuwa ako sabi ko nakikita ko sa magazine dati ‘yung tatak na ‘yun parang BOY NEW YORK, imported!

hanggang sa nadiskubre ko na bunny jeans pala ‘yun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “federer”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s