hiroshima

unang araw:

walang tubig sa buong building namin at kung matagal ka ng nagbabasa dito sa blog ko alam mo na ang sumpang kaakibat ng sitwasyon na ‘yun para sa akin. nung una kong nalaman na wala kaming tubig nataranta ako at kung ‘yung iba nalugmok sa pag iisip ng gagamiting tubig pampaligo kinabukasan bago pumasok sa trabaho iba ang sa akin, nataranta akong maghagilap ng imodium habang iniisa isa sa isip ko ang mga kung anu anong pinagkakain ko buong araw.
kung malaking kapakinabangan ang likot ng utak ko sa mundo ng internet malaking problema naman ‘yun sa tunay na mundo at hindi uubra ang basta dalawang kapsula lang ng imodium para mawalan s’ya ng kontrol sa sikmura ko.

wala pala kayong tubig? tingin ko ngayon ang pinakatamang panahon para magtae.

sinubukan kong kontrahin ang utak ko, nagtangka akong patayin ang apoy sa pamamagitan din ng apoy. inisip ko ang lola ko na nakadaster at nakalabas ang cleavage habang nakayukong nagwawalis ng mga tuyong dahon sa harap ng isang abandonadong bahay na hindi ko pa napupuntahan, walang epekto. sinubukan kong palungkutin ang sarili ko at inisip ko ang mga mahal ko sa buhay na iniwan ko sa pilipinas, ‘yung panahon na kahit break na kami ng gelpren ko dati regaluhan ko daw s’ya sa pasko kaya ikinuha ko s’ya ng kuwintas na hulugan (anim na buwan kong babayaran) at sa mismong bisperas ng pasko pumunta s’ya sa bahay namin para kunin ‘yun.. kasama ang bago n’yang boypren, ‘yung mukha ng nanay ko na hilam ng luha bago kami maghiwalay sa airport nung paalis na ako, at inisip ko ang aso kong iniwan ko sa pilipinas na namatay ilang buwan pa lang ako dito sa dubai.. baka walang nag aalaga sa kanya sa langit at ginagalis na s’yang palabuy laboy dun. lahat ng ‘yan nauwi lang sa wala, binibingi pa rin ng kulo ng sikmura ang kung anong bahagi ng utak ko na responsable para maghatid ng tamang desisyon sa buong sistema ko.
at oo, kung itatanong mo kung sinubukan kong pag initin ang sarili ko ginawa ko rin ‘yun pero hindi ako tumagal, bakit? dahil bumabalik sa isip ko ang cleavage ng lola ko.
ala syete trenta na ng umaga mulat pa ako pero hindi antok ang iniinda ko pagbangon ko kundi ‘yung sobrang pagod sa pakikipagbuno sa sarili kong utak at ‘yung ilang oras na pagma-muscle control.

pangalawang araw:

masaya akong umuwi kahapon ng gabi galing trabaho dahil nabalitaan ko na may tubig na daw sa amin at masaya din akong kumain ng hapunan pagdating ko, iniimagine ko na ang sarili ko na nagbababad sa tubig ng shower at masayang nakaupo sa inidoro habang nagyoyosi at nagtu tweet ng walang ibang iniisip na problema. natapos na akong kumain ng masagana at nagyoyosi na ako sa balkon habang hinahayaan ko ang sikmura kong magkumpuni ng bomba atomikang papakawalan maya maya lang na maaaring ikasawi at ikapinsala ng nakakarami ng natanggap ko ang isang nakakapanlumong balita, wala na naman daw tubig.
at wala pang limang minuto pagkatanggap ko ng mensaheng ‘yun nadiskubre ko ang isa pang mas kagimbal gimbal na balita, wala na rin pala akong imodium. alam mo kung ano ang mahirap sa buhay na ‘to? hindi ka n’ya basta gagahasain, puputukan ka pa n’ya sa mukha.
may konti naman daw na naipong tubig pero nung tinignan ko hindi sapat ‘yun, hindi mo maililigtas ang buong hiroshima gamit lang ang isang baldeng tubig, kalokohan. naramdaman ko na nasisiraan na ako ng ulo, gusto kong ipunin ang lahat ng pabango sa bahay na ‘yun pati na mga lotion para lang may maipambuhos ako sa inidiro at pinigilan ko lang ang sarili kong mag research sa internet kung gaano kadaming dugo mula sa akin ang maisasalin ko sa balde bago ako malagutan ng hininga, seryoso kung aabot ng dalawang balde at buhay pa ako sapat na ‘yun at ‘yung isang balde ng tubig na naipon para makaluwag sa pakiramdam ko, walang pagdadalawang isip na lalaslasin ko ang pulso ko.
pero hindi naman ako siraulo talaga kaya pinigilan ko ang sarili ko sa malagim na kaisipang ‘yun. mataimtim akong nag isip at s’yempre nagdasal para sa susunod na hakbang ko. alam ko na hindi na uubra ang taktika ko kagabi, mas matalino sa akin ang utak ko at alam n’ya na pagod pa rin ako mula sa enkwentro namin kagabi kaya walang pagod n’ya akong magagapi ngayon. hanggang sa nakaramdam ako ng maliwanag na bumbilya sa itaas ng ulo ko, tama! katulad kung papaano ko tratuhin ang isang computer na hindi ko magawa o ang isang karelasyon na hindi ko na makasundo.. shina-shutdown ko.
ramdam ko pa ang pangingislap ng mga mata ko habang hawak ko ang cough syrup na nanggaling sa ref na agad kong tinungga ng apat na puno sa bibig na lagok.

.. at ‘yun na ang huling naaalala ko mula kagabi.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s