tanong sagot 28

magtanong dito – TANONG/SAGOT

eto ang tanong sagot ika-dalawampu at walo.

T. idol ka para sakin the way you carry yourself pati pagnagsalita ka na aamin ako na most of the time ginagamit kitang inspirasyon sa diskarte sa chicks. salamat idol isa kang alamat!
S. salamat, madalas na inspirasyon ko din ang sarili ko tuwing dumidiskarte ako sa “chicks” at awa naman ng swerte wala pa naman sablay lalo na pag hindi naman ganun kagandang babae ang pinaggagamitan ko n’yan.

T. Nasisiraan na daw ako sabi ng nanay ko! Hahaha kaw lang nagpapatawa sakin ng ganito! Salamat! Apir!
S. sabihin mo sa nanay mo bukod sa patawanin kaya din kitang paligayahin. ..ikaw ha, hindi ang nanay mo!

T. papayag kaba pagkatulad mo as joncabron ang naging bf o asawa ng unica hija mo?

S. una sa lahat, sa kanya manggagaling ang desisyon kung sino ang mamahalin n’ya at kakarelasyunin kaya medyo hindi ganun kabalido ang maisasagot ko sa’yo pero para lang may mapag usapan, ganto ‘yan: kumbaga sa pana ang magagawa ko lang ay hilahin ang palaso sa abot ng makakaya ko at umasa na pagbitaw ko dun magiging matuwid ang balang papaalpasin ko at didiretso sa kung saan ko ‘yun gustong patamain, ganun din ako bilang ama wala akong magagawa kundi umasa na sa sarili kong paraan ng pagpapalaki sa kanya para maging matino s’yang tao sa oras na dapat ko na s’yang pakawalan sana mapunta s’ya sa kung saan at kanino s’ya nararapat. papayag ba akong maging katulad ko ang makakarelasyon n’ya? seryoso, sana hindi. naranasan ko na sa tatay ko kung gaano kadelikado pag nagkasalubong ang parehong prinsipyong matatag at kung gaano kalaking pinsala ang kayang idulot nun sa isang relasyon. matagal bago natanggap ng utak ko ang dahilan kung bakit lagi kaming sumasabog ng tatay ko at kelan ko lang nakumpleto ang puzzle na ‘yun sa utak ko, pareho kami ng ugali at pareho kaming hindi nagpapatinag kaya wala sa aming dalawa ang nagbibigay para sumalubong sa isa sa gitna kaya lagi kaming nasa itaas pareho. ano ang pinupunto ko? pag ang naging karelasyon ng anak ko ay katulad ko at nabalitaan ko na sinaktan s’ya nun bubugbugin ko ‘yun ng walang humpay hanggang sa ipanalangin n’ya na sana yakapin s’ya ng swerte na sana pulikatin ang kamay ko para tumigil na ako sa pagsuntok sa kanya at igapos ko na lang s’ya sa puno at ipakain ang katawan sa tigre.

T. pano ko po malalaman na my ibang karelasyon ang boyfriend ko?
S. typo error ka ba at ang gusto mo talagang itanong ay kung papaano mo makakalimutan ang boypren mo na may karelasyon ng iba? tama ba? ipagpalagay natin na tama ako. pwes, makipag relasyon ka sa akin at ‘wag mo ng intindihin ang manlolokong ‘yun.

T. paano mag gawa ng joke?
S. ang buhay mo ay isang malaking joke kaya ‘wag ka ng magjoke, redundant na ‘yun.

T. may lalaki na bang nakahawak ng itlog mo? hahaha
S. masyadong malawak ang tanong na ‘yan, lalaking naka gwantes na panduktor ba ang tinutukoy mo o bakla na may suot na makapal na gintong bracelet?

T. papaano mo masasabi na masarap ka?
S. ganto ‘yan, papaano mo malalaman kung masarap o hindi ang ulam sa karinderya? tignan mo kung gaano karami ang isang order, pag madami masyado ibig sabihin hindi masarap kaya pinapaubos na, pag talo naman ang dami ibig sabihin kumpiyansa ang nagbebenta na kahit kaunti ang bigay tiyak na tatangkilikin. gets? hindi pa rin? 3 inches lang ang ano ko dahil ayaw ng diyos na maimpacho ka kung gaano ako kasarap.

T. ikaw ba ang pinakaguwapo sa buong mundo?
S. ako ang PINAKAgwapo sa mata ng nanay ko SUNOD sa kapatid ko.

T. POSIBLE BANG MAGPAKITA SA AKIN C LOLA UNG NASAGASAAN PLZZZZZ ANSWER TAKOT NA AKO TULOY
S. virgin.

T. sino’ng gusto mong gumanap na leading lady mo kung isasapelikula ang buhay mo? by: veniiiis
S. natural ikaw! sos!

salamat!
ask.fm/joncabron

iba pang mga tanong / sagot

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “tanong sagot 28”

Sarado na ang mga puna.