sa akin ka maniwala

kalokohan ‘yung sinasabing kung hindi ka handang masaktan huwag kang magmahal dahil parang sinabi mo na din na kung ‘di ka handang malunod huwag kang lumangoy. ano ang pagkakapareho ng pag ibig at paglangoy? pareho silang hindi mo basta matututunan lang sa pagbabasa ng libro o pakikinig sa kuwento ng mga kaibigan mo, kailangan mong tumalon sa tubig o pumasok sa relasyon para maintindihan mo ‘to ng mabuti. hindi natural na parte ng paglangoy ang pagkalunod at ganun din ang sakit pag nagmahal ka katulad lang ng hindi sangkap ng pagluluto ang pagkasunog, minsan napabayaan lang at pwede mong ipagpalagay na malas lang pero sa mas madalas kinulang ka lang sa karanasan. kumbaga sa pagmamaneho hindi ka daw magiging magaling na driver kundi ka pa nakakaranas mabangga, sa waiter pag naka basa ng tubig sa costumer.. hindi ko alam kung papaano sa suicide bomber.
wala ka naman kontrol kung sino ang mamahalin mo dahil iba kase ‘yun sa basta gusto mo lang, pag gusto mo ang isang tao p’wede mong ibaling ang paningin mo sa mga bagay na wala s’ya at p’wede mo s’yang sukatin sa mga bagay na kinukulang s’ya, at malaki ang tsansa na bukas makalawa makukumbinsi mo na ang sarili mo na hindi mo na s’ya gusto, samantalang pag mahal mo ang isang tao ng totoo habang tumitingin ka sa kapintasan at kakulangan n’ya mas lalo pa s’yang napapamahal sa’yo. p’wede mong planuhin kung sino ang gugustuhin mo ngayong umaga at magbago ng isip bago mag gabi. hindi ganun pag nagmahal ka, madalas wala sa plano at magigising ka na lang isang umaga na nasa gitna ka na ng malalim na dagat, hindi ka ba lalangoy para huwag kang malunod?

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s