para sa mga babaeng may babaerong karelasyon

kung ikaw ay babaeng nasa loob ng isang relasyon gelpren ka man o asawa ang payong ito ay para sa’yo at ito ay may kinalaman sa pambababae ng iyong kabiyak. kung kumpirmado ng may kinalolokohan si lalake ito ang pinakatamang panahon para magpakahinahon at lawakan ang isipan, huwag na huwag kang magwawala at pakaiwasan mong dumating kayo sa punto na kinakailangan n’yang pumili sa inyong dalawa nung isang babae kung ayaw mong mabakante ang kabilang bahagi ng kama mo. isa sa pinakakaraniwan at pinakamalaking pagkakamali ng babae ang subukang makipagpabigatan sa timbangan ng pagiging importante sa babaeng kasalukuyang kinalolokohan ng karelasyon n’ya, kumbaga sa boksing pasimula pa lang ang laban talo ka na, papasok ka pa lang sa ring may sumusuntok na agad sa batok mo, at kung ordinaryong gloves ang gamit mo kamaong bakal naman sa kalaban mo. bakit ko nasabi ‘yan? unang una, hindi mo dapat ibinababa ang sarili mo sa kinalalagyan nung babaeng ‘yun dahil kahit ano pa ang mangyari ikaw ang orihinal at dapat mong panghawakan na kahit may kinalolokohan man s’yang iba hindi ka pa rin n’ya iniiwanan kaya hindi mo dapat ibargain ang sarili mo sa kanya dahil iyon mismo ang magiging unang hakbang mo para yakapin ang pagiging talunan, para kang ginto na nakipag pabigatan ng timbang sa ordinaryong bato.
alam mo ba kung ano ang sumunod na masarap sa bawal? ‘yung bago. dapat mong ilagay sa isip mo na lilipas din ‘yan at kahit gaano pa karaming bago ang magdaan sa buhay n’ya andyan ka pa rin dapat sa tabi n’ya dahil ikaw ‘yung lumang subok na at may tibay na maaasahan. kung tutuusin mas maganda nga na pag daanan n’ya ang lahat ng ‘yan habang bata at sariwa pa s’ya, dahil kung gagawin n’ya ang lahat ng ‘yan kung kelan matanda, kalbo, at malaki na ang tiyan n’ya wala na s’yang bentahe nun kundi ang pera n’ya maniwala ka mas malaking problema ‘yun sa relasyon n’yo kung kinakailangan n’ya ng gumastos para magkaron lang ng atraksyon ang babae sa kanya.
tandaan mo, sinigang ka! nakakaumay pag inaraw araw pero binabalik balikan. masarap ang menudo at kare kare sa kapitbahay pero pantanggal umay lang ‘yun sa sinigang sa bahay, para lang may ibang malasahan at para lalong maging katakam takam ang asim ng sinigang.
ang pambababae ay maihahambing ko sa pagpapatuli, hindi lahat dumadaan sa ganung operasyon pero mas nakakarami ang tuli kesa sa supot.  sa umpukan ng mga kalalakihan iba ang kumpiyansa ng lalaking tuli kesa sa hindi at kung maingay sa kwentuhan ang puno sa kumpiyansang nauna karaniwan namang tampulan ng pangungutya ang isa at napag iiwanan.

“ipagpapalit mo ba ang alak sa chaser? syempre hindi, iinom ka lang ng chaser para pantanggal pait para lalo mong maenjoy ang alak.”

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s