metamorphosis

ako ang balon na nagbigay  ng tubig  at hindi ang pagkasaid ko ang katapusan ng kapakinabangan ko, naging tambakan ako ng basura at nung napuno tsaka tinabunan ng lupa at kinalimutan.
nagmistula akong dyamante sa suot na singsing ng isang babaeng may ketong, makinang na gintong ngipin sa nabubulok na gilagid. kung ang mundo ay isang tipak na tae, ako ang isang butil ng mais.

ako ay batong buhay na imbis hanapan ng kapakinabangan itinapat sa dyamante at ginto.. hindi ko kahit kailan itinago ang halaga ko, masyado lang nasilaw ang mga mata mo sa pagtitig sa ibang bato habang ako ang nakapwesto sa hulihan na natatakpan ng kinang nila.
sanay akong magbigay ng walang hinihintay na kapalit, basta ginagawa ko ang obligasyon ko ayos na ako dun.. dun na lang ako humuhugot ng ikakasiya ko, ‘yung malaman na nagagawa ko ang tungkulin ko at hindi na ‘yung makakuha man lang ako ng simpatya sa iba.. hindi na ako umaasa, sasama lang ang loob ko.

ako ay natalo sa sugal na hindi ko naman tinayaan at naging talunan sa laro na hindi naman ako kasali. walang natira, ubos pati pato.

lilipas ang mahabang panahon at ang balon na minsang pumatid sa uhaw ng ilan ay muling huhukayin ng mga bagong tao at ang dating kumpol ng basura ay magsisilbing kayamanan na para sa kanila.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s