ang upuan ni cabron (panglima)

 

hotseat.jpg

blah blah blah.. alam n’yo na kung ano ito, ang upuan ni cabron ika-limang labas:

JonCab: eto ang batas, pag hindi mo kayang sagutin ang tanong halimbawa tingin mo masyadong personal o masyadong delikado magba BUZZ! ka lang. hindi ko na itatanong kung bakit at walang pilitan. pero pag ginawa mo ‘yun tapos na ang tanungan. pareho lang din pag naramdaman ko na nagsisinungaling ka lang, malinaw?
Carmen: sige, malinaw 
JonCab: 1. ilang taon ka nung una mong binasag ang katahimikan?
Carmen: HAHA Anong klaseng katahimikan yan? Diretsahin mo ko
JonCab: ilang taon ka nung unang beses mong tinawid ang malalim na ilog?
Carmen: 15. Ay 16 pala.
JonCab: ang 16 e hayskul pa lang tama ba? ikaw ang pinakamaaga sa lahat ng umupo sa upan at lalaki pa ang isa sa apat na ‘yun …pero hindi kita hinuhusgahan.
Carmen: Oo. Sa tingin ko, 16 nga ‘yon kasi graduating ako nun ng highschool e.
JonCab: nag init ang mga tenga ko pero game na tayo.
Carmen: Sus pwede mo naman itanong sakin yan kahit wala tayo sa upuan. Mas masaya pa.
JonCab: 2. kung may pagkakataon at pwesto tapos niyakag kitang makipag anuhan sa akin papayag ka ba?
Carmen: Hindi yan tanong. Matik na yan.
JonCab: mabuti!
Carmen: HAHAHAHA
JonCab: seryosong bumaba ang init na nararamdaman ko sa mga tenga ko.
Carmen: Bakit, ano ba naiisip mo?
JonCab: iniisip ko na pag sumagot ka ng negatibo ititigil ko na ‘tong tanungan na ‘to at magusap na lang ulit tayo na para tayong mga normal na taong internet
Carmen: HAHAHAHAHA
JonCab: huling tanong tungkol sa’yo, 3. meron bang tao sa mundong ‘to na may hawak ng sex video kasama ka?
Carmen: ‘Ata.
JonCab: bakit ata? meron o wala lang ‘yan
Carmen: Pshe bakit, ano ba ang magiging konklusyon mo?
JonCab: kailangan ko lang ng konkretong sagot
Carmen: Tingin ko, wala. bakit nakita mo na ba ako sa isang sex video? HAHA
JonCab: tingin mo wala pero posibleng meron? tama ba?
Carmen: May isang eksena akong naaalala na pwedeng meron.
JonCab: na hindi nabura kaya malaki ang posibilidad na meron nga ‘di ba?
Carmen: Hindi naman malaki. Pero tingin ko talaga, wala.
JonCab: hindi naman malaki? hahaha tayo ba ‘yan?!?!
Carmen: Totoo nga, yan talaga ang gusto mong malaman sakin?
JonCab: ayan o dahil kasama talaga sa mga naka handang mga tanong ko ‘yan.
JonCab: pang apat: maraming dahilan kung bakit sinabing mahiwaga ang mundo ng internet, sinong blogger ang sa tingin mo nakikinabang sa “hiwaga” na ‘yan dahil ang ganda n’ya sa net pero iba ang itsura n’ya sa personal?
Carmen: May kilala ako na pangit sa net, mas pangit sa personal e.
JonCab: sino ‘yan?
Carmen: HAHAHAHA Mahahalata naman kung sino ako e,
JonCab: sos! malay n’ya naman kung ikaw nga ‘yan o ikaw ‘yung kaibigan mo na asar din sa kanya?!
Carmen: Yung Munik ba yon? Hehe
JonCab: ano nga bang link nun?
Carmen: E hindi ko alam kasi hindi ko siya pinafollow sa kahit saan. Hindi ako plastik e.
JonCab: oks, ako na lang maglilink mamaya
Carmen: Kailangan ba talaga na ako ang magbibigay? Hanapin ko pa ganon?
JonCab: ako na lang, dalawa kase ‘yung munik ‘di ba? alin ba dun sa dalawa? penge ng isang word na pag nabasa ko alam ko na agad kung alin sa dalawa
Carmen: Hindi ko kilala yung isang Munik na sinasabi mo pero siya yung madalas nakapout pout sa picture na kala mo naman ikinagaganda niya yon
JonCab: ahhhh kilala ko na, ‘yung isa kase parang laging nakatakip ang mukha.
Carmen: Hindi nga siya yon. Gandang ganda kasi ‘tong Munik na ‘to sa sarili niya kaya malamang hindi yun magtatakip ng mukha
JonCab: errr ilalagay ko ‘yan, baka awayin ka nun?!
Carmen: Kaya ba niya?
JonCab: hahah game na. pang lima ka palang sampu pa pagtapos nito. sinong manunulat ang sa tingin mo gumagamit ng mapurol na lapis?
Carmen: Ah eto, baka bagong bago ‘to sainyo. Si Yepoi
JonCab: ang tanong ko e manunulat na gumagamit ng mapurol na lapis, hindi ‘yung manunulat na gumagamit ng mapurol na lapis sa madilim na kwarto habang lumilindol.
Carmen: Masyado ka. Baka masaktan naman si Yepoi sa sinasabi mo.
JonCab: maliit na porsiyento lang ng pagkatao n’ya ang pagsusulat, hindi ko naman s’ya hinuhusgahan bilang kapatid, anak, empleyado, kaibigan, o boypren dun sa gelpren n’ya.. ‘wag s’yang maarte, sa pagsusulat ko s’ya nakilala at nagkataon lang na hindi ko gusto ‘yung estilo n’ya.
Carmen: Sino bang may gusto? Ang totoo, ayaw ko sa buo niyang pagkatao. Ang trying hard kasi e.
JonCab: so alam na natin kung sino ang “masyado” sa ating dalawa?
Carmen: Oo naman. Syempre hindi ako ‘yon.
JonCab: hmmmkei, seryoso bukod kay yepoi wala ka na bang kilala?
Carmen: Medyo mapili kasi ako sa mga sinusundan. Pero sige, may isa pa. Yung Erick ba ‘yun?
JonCab: erick?
Carmen: Oo, yung sa Tumblr na madalas porn ang post?
JonCab: si epfidemic?!? nagkukuha lang ng picture ‘yun hindi naman nagsusulat ‘yun e
Carmen: Nagsusulat ‘yon! Trying hard nga lang! Pero magaling siya kumuha! Sana dun na lang siya magfocus. At ‘di hamak na mas pogi siya kay Yepoi kaya ‘wag siyang magalala. Wala talagang perfect.
JonCab: ahh wala pa akong nakikitang sulat n’ya, sa tumblr ko na nakilala ‘yun e.. nagpupunta ako sa blog n’ya dati pag naghahanap ako ng bagong porn star na idadownload.
Carmen: Hehe Magaling siya sa ganun e. parang ikaw lang, yung Munik, package e. pwede rin siya sa tanong na ‘to.
JonCab: matagal na akong tumigil sa pagpu porn, eka lang pang pito na ba o anim?
Carmen: Hindi ko alam. Ang haba naman nito!
JonCab: hahaha isa na lang tapos bukas ulit?
Carmen: Ge ge mapilit ka e
JonCab: pangpito na yata, tinatamad akong balikan.. GAME! taong internet na nagpalipad hangin sa’yo na ikaw lang nakakaalam ..o kayo lang nakakaalam ..o pakiramdam mo nagbalak dumiskarte hindi lang nakakuha ng tyempo?
Carmen: HAHAHAHA teka, iisipin kong maigi ‘to
JonCab: sige lang, sinong KILALANG taong internet ang dumiskarte sa’yo pero hindi masyadong pinalad?
Carmen: Wala. Hindi naman ako kagandahan teh. Dati may nagustuhan ako na medyo kilala. Tapos nalaman ko kinalaunan na parehong lalaki pala ang gusto namin.
Carmen: tama naaaaaa
JonCab: ngeks?! ayaw mo na? ano nga? pag hindi mo nasagot ‘yan wala na bukas din.. parang andali n’yan ah
Carmen: konti lang kilala ko sa net kaya wala akong kredibilidad haha
JonCab: BUZZ?
Carmen: Ikaw, pahihirapan mo pa ba ako?
JonCab: haha sige tama na nga ‘to, malamang din kung malagpasan mo ‘to hindi mo rin kakayanin ‘yung kasunod… ganun ako sa babae e.
Carmen: Baka naman hanggang ganyan ka lang parang yung isang kakilala ko hehe
JonCab: ang totoo e wala pa naman nagrereklamo sa mga pinalad na maranasan ako… pero naisip ko na mga plastik ang mga babaeng nakakasalamuha ko kaya puro sila walang kredibilidad.
Carmen: Sa mga pinalad talaga? ako na lang ang mismong huhusga tapos ikakalat ko sa internet HAHAHAHA
JonCab: bago ko tanggapin ang hamon mo kaklaruhin ko lang na hindi size ang pinaguusapan natin ha! haha
Carmen: Wala talagang perfect.
JonCab: oo dahil marunong ang diyos, pag masyadong masarap ang putahe kaunti lang ang inihahain.

-end-

ang mga dating umupo:
pang apat
pangatlo
pangalawa
una

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “ang upuan ni cabron (panglima)”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s