kwago

matagal tagal na din akong naghahanap ng artist dito sa dubai, bawal kase dito kaya hindi ganun kadaling makakita at hindi katulad sa atin at sa iba na nagkalat lang. matagal na akong lurker sa facebook account ng artist na ‘to pero ang intindi ko nung una nasa malayo s’ya sa akin kaya urong sulong ako na kausapin s’ya. at isa pa, hindi pa ako desidido sa design na gusto ko nung mga panahon na ‘yun. mabilis lang ang lahat kung tutuusin, habang pinagsasalitan ko ang yosi at kape sa bibig ko isang umaga ng biyernes nakita ko ‘yang design na ‘yan at hindi ako nahirapang kumbinsihin ang sarili ko na ikakapogi ko ‘yan sa katawan ko. naglakas loob akong magmessage at hindi ko alam kung anong swerte ang nailagay ko sa kapeng tinimpla ko kanina dahil mali pala ako ng impormasyon dahil ang totoo halos kapitbahay ko lang s’ya, literal na nasa kabilang kalsada lang. nung gabi din na ‘yun naganap ang lahat, kinatagpo ko ang isang lalaki sa harap ng isang
owl1.jpgbuilding sa kabilang kalsada. suplado sa facebook ‘yung artist ko pero mukhang mabait naman sa personal. nasa kanya ‘yung bait na alangan sa pagiging magaling n’ya, kumbaga walang yabang sa katawan. seryoso kung kasing galing n’ya ako hindi n’yo ako makakausap ng matino. bukod dun sobrang mura n’ya din maningil kumpara sa iba kaya pagkaabot ko ng bayad sa kanya nanakbo na ako agad pauwi sa takot na magkabawian. mula sa paghaharap namin na ‘yun makalipas ang mahigit tatlong oras bumaba ako ng gusali na ‘yun na masaya at pakiramdam ko nadagdagan ng kalahating pulgada ang pagkalalaki ko.
at para sagutin ang mga ilang bagay na tipikal na itatanong ng mga tipikal na mambabasang tulad n’yo:

T: saang parte ng katawan ‘yan?
S: sa loob ng braso sa ilalim ng kili kili.

T: bakit parang sa hita?
S: magkita tayo at ipapaintindi ko sa’yo ang pagkakaiba ng hita at braso ko sa pamamagitan ng brazilian jiu-jitsu.

T: masakit ba?
S: hindi ko alam kung sobrang sakit nung ipinagawa ko ‘yung tattoo ko sa paa dati kaya sinisiw ko na lang itong bago pero seryosong halos wala akong naramdaman na sakit nung una bago magtatlong oras ang pakiramdam ko para lang akong dinodrowingan gamit ang bolpen na malabo ang tinta kaya dinidiinan. ayun lang, pagkalipas ng tatlong oras parang unti unti na akong napapagod tsaka pakiramdam ko humihina na ‘yung panlaban ko sa sakit kaya medyo napapadiin na ang pagkagat ko sa bagang ko.

T: p’wede bang makuha ang contact number ng artist mo?
S: itatanong ko muna sa kanya.

T: papaano kung pagkalipas ng limang taon e kupas na ‘yang tattoo mo o kaya sawa ka na, pagsisisihan mo ba ‘yan?
S: paglipas ng limang taon tatlumpu at pito na ang idad ko nun, ayun ang idad na nasa estado ka na mas nakakapagsisi ang mga bagay na hindi mo nagawa kesa sa mga ginawa mo. sobra na ang idad ko nun, baka kung hindi pa ako nagpapakamatay nun e nasa sitwasyon na ako nun na nakahiga na lang sa isang kama at naghihintay ng paglubog ng araw sa akin.

T: bakit owl ang napili mong design? 
S.: dahil ang kwago ay simbulo ng karunungan, kamisteryosohan, nocturnal s’ya at intimidating.

T: bakit hindi na lang pusa?
S: ano ba ang sinisimbulo ng pusa? wala namang ginagawa ‘yang mga mahihinang klase ng tigre na ‘yan kundi mag akyat bahay at manguha ng ulam na hindi naman kanila at tumae ng plastik sa buhanginan. ..hindi naman ganun ang imaheng gusto ko ‘no!

 

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s