..ganun talaga.

nagulat ako sa mensahe sa facebook ng isang dating kaklase nung elementary na mahigit kumulang sampung taon ko ng hindi nakakausap sa totoong buhay man o sa internet, may kaibigan daw s’yang nagpapahanap ng boyprend at ako daw ang naisip n’ya at hindi ko na tinangka na itanong ang dahilan n’ya dahil mas gusto kong iduyan ang sarili kong ego sa paniniwalang ako ang pinaka gwapo n’yang kaibigan kesa sa posibleng katotohanan na ako kase ang natyempuhan n’yang naka online sa mga oras na ‘yun. ginampanan ko ang pangkaraniwan at lohikal na dapat gawin ng isang lalaking nasa ganung sitwasyon, tinanong ko kung ilang taon na ‘yung babaeng ‘yun (medyo nakakapag alangan) kelan huling nagka boypren? (ahh pwede na.) anong height? (sakto lang) baka naman iglesia ni cristo ‘yan ha! at s’yempre patingin nga ng profile sa facebook. 
seryoso, kung hindi ko lang tinigasan ang balakang ko baka tuluyan na akong napadausdos sa kinauupuan ko dahil sa magandang larawan ng isang babaeng nagrehistro sa monitor sa harapan ko. medyo may hawig ang mukha n’ya at halos kasukat din ang katawan kay wendy valdez ng pbb dati, pansamantala kong iniwan ang kausap ko para maghalungkat pa sa kung anong mga detalye at larawan na hindi naka private sa profile nitong babae na ‘to. nalaman ko na sa isang opisina sa makati s’ya nagtatrabaho dahil sinearch ko sa internet ang nabasa kong pangalan ng kumpanya sa id lace na suot n’ya sa isang picture na nakita ko na kuha habang may binabasa s’ya kunyari sa celphone n’yang blackberry bold habang nakaupo s’ya sa isang branch ng starbucks na sa tingin ko e sa ortigas base na rin sa porma nung nakita kong lalaki sa may dulo sa likod n’ya na mukhang sa call center nagtatrabaho.
matapos kong timbangin ang mga posibilidad at matapos kong makumbinsi ang sarili ko na hindi naman masyadong magiging abala sa oras ko ang isang malayuang relasyon, ibinigay ko na ang hudyat sa dati kong kaklase..

“huwag mo munang ibigay sa kanya ang facebook profile ko, sabihin mo sa kanya magbasa muna ng blog ko at pag naging interesado s’ya hayaan mo na s’ya mismo ang kumuha sa’yo nun”

at gaya ng pangkaraniwang kwento ng buhay ko, tatlong araw ang lumipas wala pa rin balita sa babaeng ‘yun. huli na ng napansin ko na ang huling tatlong entry ko nga pala ay tungkol sa kung papano ako bastusin ng pamangkin kong pitong taon pa lang, tips sa pagpili ng brief, at kung papaano ko inihahalintulad ang babae sa sapatos.

.. ganun talaga.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “..ganun talaga.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s