para sa tamang pagpili ng isusuot na panloob.

ituring n’yong payo ito na hindi nanggaling sa nakakatanda sa inyo kundi sa mas nakaka alam at gaya ng dati kung may nakuha kayong aral sa enry ko na ‘to ituring n’yong utang na loob n’yo sa akin ‘yun at tsaka na natin pag usapan kung papaano kayo makakabawi sa akin, at kung sakali naman na matapos n’yong mabasa hanggang sa dulo ang sinulat ko at pakiramdam n’yo nalugi kayo.. humihingi ako ng kapatawaran sa gintong oras n’yong nasayang ko.

game!

una, kailangan lagi kang advance mag isip at hindi lang ‘yung design ang dapat titignan mo, lagi mong iisipin kung ayos na ba ang kumbinasyon o kulay ng suot mo na tipong hindi mo ikakahiya ang itsura mo pag lumabas sa dyaryo ang pictures mo kung sakaling biglaan kang naging superhero at wala ng oras para makapag patahi ka ng costume.
pangalawa, bilang respeto na rin sa mga mahal mo sa buhay. isipin mo na lang kung ikaw ‘yung tipong bastamemas o maskipaps (bastamemasuot na lang/ maskipapano na lang) bago pumasok sa trabaho o eskuwelahan tapos naaksidente ka sa daan, ipagpalagay natin kunyari nakasakay ka sa taxi tapos nabangga kayo at sa sobrang lakas ng pwersa tumilapon ka at lumusot ka sa bintana tapos pagtalsik mo nasagasaan ka pa ng kasalubong n’yong truck, naiisip mo ba man lang kung anong kahihiyan ang idudulot mo sa pamilya mo sa pagclaim nila ng bangkay mo kung pagkebaduy baduy ng suot mong underwear? maging sensitibo ka naman!
pangatlo, kung isa kang babaeng maganda at seksi at bigla kang kakatok sa kwarto ko na may bitbit na alak at walang ibang suot kundi panty lang pero sa kasamaang palad e lagpas pusod ang panty mo, ikinalulungkot ko pero hindi matutuloy ang binabalak mo.. sige, p’wede kitang saluhang uminom pero depende pa ‘yun kung anong dala mong pulutan at isa pa, pagkaubos ng alak iligpit mo ang pinaginuman natin at punasan mo ang mesa tapos umuwi ka na.
pang apat, ke lalaki o babae ka kung pangit ka naman.. malayo ang inilagpas mo, hanggang sa pangalawa ka lang dapat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “para sa tamang pagpili ng isusuot na panloob.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s