paalam sa isang kaibigan

hindi naman ako nag hahangad ng alagang isda na sobrang garbo at hindi naman ako nagbata bataan at nangarap magkaroon ng alaga na magbibigay sa akin ng kapangyarihan na magagamit ko para ipagtanggol ang mga naaapi, ang
goldgusto ko lang sana, kaibigan. inilaan ko ang isang buong araw na pahinga ko sa trabaho nung isang linggo para makabili nun at maiayos ang paglalagyan ko sa kanila at madaling araw na halos nung nakumbinsi ko ang sarili ko na kumportable na sila.
masigla akong gumigising sa bawat umaga mula nung araw na ‘yun, kakaibang saya ang ibinigay sa akin ng ideya na may naghihintay sa pag bangon ko dahil may nangangailangan ng pag aalaga ko, hindi ko ‘yun naramdaman kahit kailan sa anak ko. kung sa iba na sinisisiw lang ang pag aalaga ng isda hindi ganun ang naranasan ko, masusing nakaayos sa isip ko ang oras ng kain nila at saulado ko kung ilang kurot ang pagkaing ihahain sa kanila, maya’t maya nilang ginugulo at pinapalutang ang buhay na halaman na inilagay ko kaya kinakailangan ko ring maya’t maya ayusin ‘yun.. hindi madali para sa akin ang lahat ng iyon pero dahil minahal ko sila, balewala sa akin ‘yun.. at hindi ko pa nararanasan ‘yun sa kahit na sinong babae na nakarelasyon ko.
maihahalintulad ko ang nararamdaman ko sa isang batang itinali ang kaibigan n’ya sa isang upuan para hindi ito makauwi sa bahay nila at lagi n’yang makasama sa kwarto n’ya.
pero nagbago ang lahat pagkalipas ng tatlong araw, napansin ko na lang ang pananamlay ng tatlo sa apat na alaga kong isda at dalawa sa tatlong ‘yun ang nakasampa lang sa buhay na halaman.. ng nakatiwarik. pero humihinga pa naman. ilang araw din na sinikap kong kumpunihin ang kung anong mali sa kalusugan nila, may kulang dalawang araw na hindi ko sila pinakain at may mga oras na pinagtatadtad ko pa sila ng green peas dahil maganda daw ‘yun sa kanila sabi sa internet pero nangyari din ang kinakatakutan ko.

gold1 habang umiihi ako sa cr sa opisina nakatanggap ako ng isang mensahe sa telepono, patagilid na raw na lumulutang ang isang isda ko at hindi na gumagalaw ang bibig. hindi ko na ininda ang sakit na naramdaman ko sa ibabang bahagi ng katawan ko nung otomatikong naikuyom ko ang mga kamao ko at gagabahagya ko ng naipagpag ang ano ko sa pagmamadaling maisara ang zipper ko sa pagmamadaling makalabas sa maliit na kwadradong kwarto na ‘yun.. bigla akong nasikipan sa paligid ko, halos hindi ako makahinga. ..para akong nasa aquarium.
hindi ko na alam kung papaano ko napwersa ang sarili ko para umabot ako dito sa kinauupuan ko, kanina pa ako nakatitig sa monitor sa harapan ko pero blanko lang ang nakikita ko.
hanggang sa naisip ko na lang na mabuti na lang pala at isda ang inalagaan ko at hindi aso, ang isda walang pakiramdam hindi katulad ng tuta. at mabuti na rin na hindi s’ya pusa dahil kung hindi, mamumroblema pa sana ako pag uwi ko kung saang basurahan ko s’ya itatapon e mabuti kung nasa pilipinas pa ako na pag may patay na pusa pinapasagasaan pa namin sa kalsada. itong isda p’wede na ‘to sa basurahan na lalagyan ko ng mga bulak na pinangkukudkod ko sa mukha ko. ..swerte na rin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “paalam sa isang kaibigan”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s