tanong sagot 27

mga sinagot na tanong mula sa
TANONG /SAGOT

T. gaano mo ‘ko kamahal?
S. katulad ng pag ibig ng patatas sa  cd na installer ng microsoft office.

T. may bestfriend ako matagal na kami hindi nagkikita at madalang kami magkausap kahit sa phone. mag-bestfriend p din ba kami pag ganun?
S. tingin ko inlab ka sa besprend mo, ‘wag ka ng tumanggi! alam ko ang nangyayari dito!! kakirian mo ha!

T. gaano ka kasarap magmahal?.. 
S. kasing sarap ng napakalamig na tubig matapos ang dalawang oras na pagtakbo sa treadmill sa gitna ng disyerto.

T. C nu ka
S. ako si jon cabron, tatanggihan ako ng nanay mo para sa’yo pero makikipag agawan sa’yo ang ate mo makuha lang ako.

T.  Sir Jon! Sa wakas nahanap rin kita. Hahaha! Di ka na po ba nagtu tumblr sir? Finofollow kita dati dun e. 2 years ago na ata – icescarambble
S. hindi na, pero may kamukha ako na nagtatumblr sa taragistagish.tumblr.com

T. may kilala ka bang rishadivina samting sa sofitel?
S. wala akong kilala na kahit na sino sa sofitel, maganda ba ‘yan? baka may syota na ‘yan ha!

T. bakit umiiyak ang tao?
S. para hindi sumabog ang dibdib pag sobrang sakit na.

T. Baket pink ung background ng blog mu?
S.  ang kulay ng background ko ang nagsisilbing masarap na tsaa na pang imbita ko sa mga uhaw na gamu gamo para pumasok sa malagkit kong sapot.

T. anung kulay yan
S. ang brief ko ba? maroon.

T. ano ang ibif sabihin ng alaw ina magnat
S. paki click ‘to.

T. sino sa internet ang matatawag mong kaibigan mo na totoo?
S. wala, pero araw araw kong kaplastikan sa BBM si jec at meryl habang sinisiraan nila sa akin ‘yung mga “kaibigan” nilang pinaplastik lang din nila.

T. anong taon ka ung first sexual experience mo?
S. ikakapahamak ko ang sagot sa tanong na ‘yan dahil lahat ng naka anuhan ko ang alam nila sila ang una.

salamat,
Jon Cabron

salamat, nag enjoy naman ako kahit papaano sa pagsagot ng mga tanong.

 

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.