call me maybe

nahahati sa tatlong bilang ang sistema ng araw araw na pagpasok ko sa opisinang pinagtatrabahuhan ko. nag uumpisa ‘yun sa may limang minuto o mahigit na paglalakad para makarating sa pila ng taxi, pangalawa yung byahe sa taxi na mahigit bente minuto at mahigit, depende sa trapik o sa nerbyos ng driver na sumingit sa ibang sasakyan, at ang huli, isa pa ulit lima hanggang walong minutong paglalakad para naman makarating sa mismong hotel na kinakalagyan ng opisinang pinapasukan ko.
nakaugalian ko ng libangin ang sarili ko sa bente minutong byahe na ‘yun, habang may nakasalpak na earphone sa tenga ko sumisingit ako ng paunti unting sundot ng usapan sa driver na karaniwang nag uumpisa sa pagrereklamo ko sa init sa labas o sa pagtatanong ko kung kamusta na s’ya. naka ilang imbento na rin ako ng nasyonalidad ng dating boss ko kunyari na isinasakto ko sa nasyonalidad ng driver ko sa araw na ‘yun, para lang magkaron kami ng kung anong kuneksyon.
pero may mga pangyayari kung saan pakiramdam ko medyo lumihis sa linya ang sitwasyon at medyo nagkaron ng kakaibang pagkakumportable ang kausap ko. andyaang habang kausap ko ang isang matandang pakistaning driver at pinansin ko ang balbas n’yang hanggang dibdib sa picture na nasa taxi n’ya at nagbiro ako na imbis na sa nguso at baba tumubo ang balahibo ko e sa binti napunta at pagkatapos kong mabitawan ang lohikang meron ako para ililis ang pantalon ko para ipakita ang binti kong balbon sa kanya.. nanlamig ako habang nagbutil butil ang pawis sa noo at leeg nung naramdaman kong hinimas n’ya paitaas at paibaba ang binti ko habang titig na titig sa akin at binabasa ng laway ang mga labi n’ya gamit ang dila, ayun na ang huling sakay ko sa unahang upuan ng taxi.
at ‘yung isang bangladeshi na sa simpleng tanong ko kung saan s’ya nakatira dito sa dubai, sinagot n’ya rin ako ng tanong na kung anong oras ako uuwi at kung gusto ko bang sunduin n’ya ako para dun matulog sa inuupahan n’ya.
at kanina:

matapos kong magbukas ng mapag uusapan sa taxi driver na ‘yun na may pambihirang laki ng bulto ng pangangatawan, mabilis kaming naging kumportable sa isa’t isa. mahigit sampung taon na daw s’ya dito sa dubai at base sa mga kulubot sa mga mukha n’ya at puti sa buhok tingin ko hindi nga s’ya nagsisinungaling. maayos naman ang naging takbo ng usapan namin, nung dumating daw s’ya sa bansang ‘to kaunti pa lang ang mga building at hindi pa ganun karami ang mga sasakyan sa kalsada, wala pa nga daw trapik nun. hanggang sa kailangan ko ng bumaba, pag abot ko pa lang ng bayad ko nakaramdam na ako ng medyo kakaiba sa paraan ng pagtitig n’ya sa akin mula sa harapang salamin at ‘yung kinailangan n’ya pang umikot ng bahagya paharap sa akin para iabot ang sukli ko pero wala akong maisip na depensa kundi magbigay ng isang alanganing ngiti. naranasan mo na ba ‘yung pakiramdam na parang may bumarang mahinang sigaw sa lalamunan mo? ganun ang naramdaman ko nung paghila ko ng bukasan ng pinto at hindi iyon bumukas. paglingon ko sa kanya, bahagya pa rin s’yang nakapihit paharap sa akin at nakangiti, ngiting aso. kunin ko raw ang number n’ya at tawagan ko s’ya. mabilis ang takbo ng isip ko, pag inilabas ko ang celfone ko at inagaw n’ya ‘yun sa akin mahihirapan akong humingi ng tulong pag nagka gipitan kaya bolpen ang inilabas ko. ang mga sitwasyong ganito ang unang dahilan kung bakit ako laging may bolpen sa bulsa, proteksyon. dinikta sa akin ng driver na may malaking bulto ng pangangatawan ang number n’ya at ako bilang isang taong gagabahagyang nakakaangat ang ulo sa lupa at bumabakat sa bigat ang sapatos sa buhanging nilalakaran, sumunod sa gusto n’ya.
photo
nagpapasalamat na lang ako na hindi na n’ya ipinagpilitan na s’ya ang magsusulat ng pangalan n’ya sa palad ko, baka hanggang ngayon tuwing nakikita ko ang kaliwa kong kamay e nahihimatay ako sa trauma. alam mo ‘yung sarap ng pakiramdam tuwing lalabas ka ng opisina tapos alam mong walang pasok kinabukasan at may inuman na naghihintay sa’yo sa bahay? ganun ang pakiramdam ko paglabas ko nung taxi na ‘yun. pakiramdam ko isang taon akong tumigil manigarilyo sa lamig at luwag ng paghinga ko.
pero hindi pa dun nagtatapos ang lahat, habang naghihintay akong makatawid inikutan n’ya pa ako ng taxi at tumigil sa harapan ko para titigan ako ng mata sa mata at sumenyas ng ganito bago pinaharurot ang sasakyan n’ya papalayo.

callme.gif

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “call me maybe”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s