maliwanag ba ang bumbilya sa pagitan ng hita mo?

sa tingin ko lahat tayo pinanganak na pantay pantay, kung magkakaiba man ang itsura natin na may ilan na nakakalamang sa iba, naniniwala ako na meron ang ibang ‘yun na mas nakahihigit sa kung anong meron ‘yung ilan. lahat tayo pinanganak na mga inosente at mangmang, ang buhay ay walang katapusang pag iipon ng karunungan. habambuhay tayong mga estudyante ng mga sarili nating karanasan at panahon.
may ilan na pinalad maipanganak sa konkretong bahay at may ilan na kinakailangan pang pumunta sa gubat para mag ipon ng kahoy na magagamit para magkaron ng masisilungan. may ilan na pinanganak na sagana sa panlabas na anyo pero kinapos sa karunungan at ang lahat ay dinadaan lang sa pangiti ngiti at porma. ‘yung iba naman hindi man sinwerte sa itsura pero biniyayaan naman ng malalaking ano. kumbaga, kung gaanong kakulimlim ang kaitsurahan ganun naman kaliwanag ang hatid na liwanag ng bumbilya sa pagitan ng mga hita nila. 
hinati na sa gitna ang pagkakaparte parte ng katangian ng isang tao, kanya kanya na lang tayong tuklas kung papaano natin mapagyayaman ang kung anong naibahagi sa atin. matibay na halimbawa ako, pag nakita mo ako sa personal presentable naman ang itsura ko. kumpara sa mga pinsan ko na halos kaidad ko para kaming sabay sabay namasko sa diyos pero nalugi sila dahil ninong ko si brother jesas at mga pamangkin lang sila, pero ang kapalit nun hindi ako biniyayaan ng malaking ano.. halos kasabay kong tinuli ang isang pinsan ko nauna lang ako ng limang minuto sa pagsalang sa operasyon at seryosong pinagkaguluhan s’ya sa ospital na ‘yun matapos n’yang ibaba ang salawal n’ya, maging ‘yung duktor at nars na dapat nag aasiste sa akin ay nakiusyoso, iniwan akong muntik muntikang maubusan ng dugo.
habang nagkakaidad ako lumalalim akong mag isip at lumalawak ang pangunawa ko sa mundo. pinag aralan ko kung papaano ilalako sa iba ang sarili ko sa mundo na taun taong tumatalino at paiba iba ng uso, hindi na kinakagat ngayon ang basta gwapo ka lang kaya nung natuklasan ko na maayos akong magsulat pinagyaman ko ‘yun, may talento akong magpatawa at bentahe ko ‘yun, kaya iyon ang puhunan ko ngayon… oo, maliit lang ang ano ko pero bago mo matuklasan ‘yun malamang hulog na hulog na ang loob mo sa akin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “maliwanag ba ang bumbilya sa pagitan ng hita mo?”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s