tuna pasta

tuturuan kitang magluto kahit wala naman akong napapala sa’yo.

eto ang mga kailangan:
tp.jpg


1.
Century Tuna (ang ginamit ko d’yan sa picture e ‘yung maanghang pero p’wede din ‘yung flakes in vegetable oil kung mahinang klase ng tao ka sa anghang)
2. Sibuyas (kalahati nung isang katamtamang laki tapos tadtarin mo na ng maliliit)
3. Keso (‘yung ganitong sukat e tadtarin mo na rin ng paparisukat na maliliit o kung gusto mo pa-star o hugis alpabeto kung wala kang pagpapahalaga sa oras mo)
4. pamintang durog (kung walang durog p’wede na din ‘yung buo para kada subo mo maiisip mo kung gaano ka katanga)
5. dalawang kutsarang mantika.
(walang biro)
6. asin na durog (papaano kung walang durog? salansanin mo na lahat ‘yang pinaglalabas mong sangkap at kumain ka na lang sa karinderyang malapit sa inyo, letse!)
7. pasta
(kalahating kilo)

 Ang mga hakbang: (naks!)

1. magpakulo ng tubig sa kaldero na may dalawang kutsarang mantika at kalahating kutsaritang asin.
2. buksan ang Century Tuna at bawasan ang sabaw nito, mag ingat sa pagbubukas nito dahil maniwala ka nung nahiwa ako ng lata n’yan dati halos maubusan ako ng dugo sa lalim ng sugat at halos mawalan ako ng malay dahil sa nerbyos.

tp-2.jpg

3. siguraduhin na kumukulo na ang tubig bago mo ilagay ang pasta dahil kung hindi e malalamog ‘yun at tiyakin din na nakalubog ang pasta sa tubig, p’wede mo din s’yang halu haluin pag may dumating kang kasama sa bahay na pumasok sa kusina para makapag payabang ka na kunyari mahirap ang niluluto mo. sa tunay na buhay mga sampu hanggang labing dalawang minuto pagkalagay mo ng pasta p’wede mo ng tignan kung tama na ‘yung lambot n’ya, kumuha ka lang ng ilang piraso tapos kagatin mo. bahala ka ng humusga, hindi ako ang ama mo na sosolusyon sa lahat ng problema mo.

tp-3.jpg

4. pag sa tingin mo sakto na ang lambot ng pasta, ilipat ito sa salaan o strainer tapos itapat mo sa tubig sa gripo para hindi sila magdikit dikit.

tp-4.jpg

5. ilipat sa lalagyan at ilagay na ang tuna.

tp-5.jpg

6. ilagay ang sibuyas.

tp-6.jpg

7. ilagay ang keso.

tp-7.jpg

haluin, habang hinahalo mo budbudan mo ng pamintang durog at kung gusto mo sabuyan mo pa ng inad ad (grated) na keso.

tp-8.jpg

pag kuntento ka na e ‘di tapos na.

tp-9.jpg

oo na, alam ko utang na loob mo sa akin ‘yan tsaka na ako maniningil.

walang anuman.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “tuna pasta”

  1. sinabi mo na to sakin dati, ang ginawa ko, nilagyan ko ng spaghetti sauce.. di ko na lang sinabi sayo na di ko nagustuhan.. kung sinabi mo ba naman yung buong instruction sana noon eh😕

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s