maestro

tawagin mo ‘kong henyo sa mga sitwasyon na ganito o simpleng sensitibo.
alam ko kung sa akin pinapatama ang bala kahit hindi sa akin nakatutok ang baril.
para sa akin hindi porke’t blangko ang bala hindi na kailangang ilagan at hindi dahil daplis lang hindi na papatulan.
hindi ko na kailangan maglabas pa ng pangil dahil alam naman ng lahat na kumakain ako ng kaibigan.
buong tapang.

wala akong uurungan, ang maunang humawak sa tenga, matapang.
hamunin mo ng suntukan sa personal o patraydor na sapakin sa mukha.
basagan mo ‘ko ng bote sa batok o paluin ng yantok sa leeg,
kahit duraan mo pa ako sa noo o pahiran ng sili sa mata.

tadtarin kaya kita ng mala punyal na mga salita?
‘yung hindi humihiwa pero tumatagos
o gamitan ng ice pick na habang hinuhugot mo
para ibalik sa akin lalo kang napapasama?

huwag mo ng sundan ang yapak ni hudas at ilang mga kuwento ng pagkabigo
kung saan ang bagito ay naglakas loob tumapat sa iniidolo n’yang henyong beterano.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s