sige

may dalawa oras na yata akong naghihintay sa sagot ng anak ko para malaman ko kung natanggap n’ya ba ‘yung mensaheng ipinadala ko. dapat nasa bahay na s’ya dahil ala singko na sa pilipinas at tsaka kahit pa nasa eskuwelahan s’ya gasino na ba ‘yung sumilip s’ya saglit sa telepono n’ya at sumimple ng sagot kahit na ba “K’ lang na karaniwang inirereply ng karaniwang tao para maiparating sa kausap nila na hindi s’ya interesado o may ginagawa s’ya.
halos magtatatlong oras na ang nakalipas nung nakatanggap ako ng sagot mula sa kanya, sige daw. hindi ako kumbinsido, para sa akin pag pinaghintay mo ng tatlong oras ang isang tanong hindi dapat ganyan kaikli lang ang isasagot mo. ang dapat na sagot e sige tapos idetalye mo kung bakit sige at hindi ‘yung basta sige lang, pambabastos ‘yun! kung kinakailangan na mag imbento ka ng mga kuwento gawin mo basta ‘wag ka lang sasagot ng simpleng sige lang!

sige, ang aking bakasyon. nagpunta kami sa bahay ng lolo at lola ko nung bakasyon at ansaya saya ko dahil tuwing bakasyon lang sa eskuwelahan kami nakakadalaw sa kanya. bakas ang nadagdag na idad sa itsura ni lola pero maliksi pa rin s’yang kumilos, pinanghuli n’ya kami ng manok sa likuran ng bahay nila habang nagpatulong naman si lolo sa daddy ko na pumitas ng papaya at manguha ng iba pang gulay, tinola ang ulam namin.

naobliga akong gamitin ang pagka ama ko at pagsabihan ang anak ko para hindi n’ya na ulitin ‘yun sa iba, sa tingin ko ayun ang dapat kong gawin at sa palagay ko tama ako sa tingin ko na ‘yan.

Jon:  anukaba! tatlong oras mo akong pinaghintay para sa sagot mo na sige? napakasobrang abala mo naman yata? talo mo pa ako na andami dami kong trabaho dito pero nakakasingit pa akong itext ka, anong klaseng eskuwelahan ‘yan, patayan?

Anak ni Jon: e ngayon ko lang nabasa may BS kase kami sa school kanina kaya kakauwi ko lang din.

Jon:  anong BS ‘yan? Bull Shet? kaya pala mahal d’yan sa bagong pinapasukan mo e dahil tinuturuan kayo ng kabulsyetan! matigas kase ang ulo mo, sinabi na sa’yo na ‘wag ka ng lumipat ng eskuwelahan!

Anak ni Jon: BS = Bible Study.

Jon: ay hehe sorry po, anak.  kumain ka na muna. god bless.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “sige”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s