ang lalaking iyon

ang buong akala ko talaga normal ako dati nung nasa hayskul ako, maliban lang sa kung sino ang mga naging kaibigan ko nun hindi na ‘yun nadagdagan ngayon. pag may nagtatanong sa akin ngayon kung bakit wala akong kaibigan, simple lang ang isinasagot ko “ayoko ng tao, hindi naman ako ganito dati nung hayskul ako. basta nagising na lang ako isang araw na ayoko ng tao”. oo, aaminin ko na minsan naaapektuhan din ako pag may nang aasar sa akin tungkol sa kawalan ko ng kaibigan at hindi tulad dati nung nasa pilipinas pa ako na sanay akong mag inom mag isa at magpalakad lakad sa mall ng walang kasama, dito sa dubai parang tinutuklaw na ako ng pangungulila at nakakalungkot isipin na minsan naboboringan na akong kasama at kainuman ang sarili ko.
naging madalas ako sa facebook nitong mga nakaraang araw at sa minsan na pagtambay ko dun sa magkaibang pagkakataon may nakausap akong dalawang kaklase dati na nagpasinungaling sa inaakala ko, pinatunayan nila na dati pa akong ganito.

una:

1

pangalawa:
21

naging daan ang pakikipag usap ko na ‘yan sa dalawang magkaibang tao para hamunin ang sarili ko na maghanap ng magiging kaibigan dito sa dubai. binuksan ko ang posibilidad na sa mga dadating na araw magigising ako ng madaling araw sa tawag ng isang kaibigan dahil may problema s’ya at kailangan n’ya ng kausap. mga ganyan at mga kung anu ano pang hindi mga patas na obligasyon na bahagi ng pakikipag kaibigan.
natagpuan ko ang lalaki na ‘yun sa pila ng magpapa x-ray nung pangalawang punta ko dun para sa mga kakailanganin sa health permit sa bagong kumpanya na pinapasukan ko ngayon. pilipino din s’ya na kasama ng mga ibang lahi na nakaupo sa may pinto ng laboratoryo. nag abot kami sa loob at pareho kaming nagreklamo sa baho ng mga kasabay namin.. iyon ang naging umpisa ng lahat, nagulat na lang ako na pagkatapos kong ma x-ray andun s’ya sa labas at hinihintay ako. naging madali ang iba pang proseso sa pagkuha ng permit na ‘yun dahil may kasama na ako. hintayan kami kung sino ang mauna at tiwala kaming nagpapahawak muna ng bag ng isa’t isa pag kinakailangan.
hanggang sa dumating ang isang problema sa akin na susubok sa kung ano mang bagitong pagkakaibigan meron kami nung lalaking ‘yun. bagong batas daw na kailangan mag submit ng tae sa maliit na botelya sa mismong oras na ‘yun, matagal akong nakaupo lang sa harap ng nurse habang tulalang pinagmamasdan ‘yung garapon sa kamay ko. problema ‘to ..sabi ko sa lalaking ‘yun, inakbayan n’ya ako at inakay papasok ng cr.
sinabi ko sa kanya ang problema ko, madalas akong magtae sa daan pero hindi ko kayang utusan ang sarili ko na kusang maglabas ng ganun katulad ng hindi ko kayang magpigil pag andyan na s’ya. problema ‘yan sabi n’ya bago s’ya pumasok sa isang pinto pa sa cr na ‘yun.
nagpaalam ako sa kanya na lalabas muna para magyosi at mag sit up habang nakatayo at baka sakaling makatulong sabi ko. ..bigo ako. pagbalik ko tapos na s’ya, sumisipol pa habang nananalamin at nagbabasa ng buhok. tinanong n’ya ako kung anong balita at sinagot ko na wala talagang pag asa. sabay bumagsak ang mga balikat namin at nagulat ako sa sinabi n’ya sa akin hindi na lang din daw s’ya magpapasa kung ganun. hindi puwede sabi ko sa isip ko, kailangan kong makaisip ng paraan. napilitan akong kumapit sa patalim.

Jon Cabron: marami ba ‘yang tae mo?
Lalaki: medyo, bakit?
Jon Cabron: bigyan mo na lang kaya ako?
Lalaki: sige, walang problema sa akin pero ikaw ang mag hati.

(inabot n’ya sa akin ang botelya, naramdaman ko ang init nun at nasilip ko ng bahagya ang laman)

Jon Cabron: ikaw na, sa’yo ‘yan e.
Lalaki: oo nga, sige.

wala pang limang minuto ang lumipas natanaw ko na s’ya na nakangiting papalapit sa akin mula sa pinaghihintayan ko.

Lalaki: CATCH!

(pabiro n’yang sabi)

naramdaman ko na naman ang init ng botelya at sa ikalawang pagkakataon natukso akong lagyan ng puwang ang tissue na bumabalot dun para masilip ko kung ano ang nasa loob nun. sabay ulit kaming pumila at nagpasa, inalok ko s’ya ng yosi paglabas namin pero hindi daw s’ya naninigarilyo. hanggang sa kailangan na naming maghiwalay dahil sinundo na s’ya ng service ng kumpanya n’ya na tinext n’ya bago kami lumabas. maayos s’yang nagpaalam sa akin na ginantihan ko ng pag abot sa kanya ng kamay ko.

Lalaki: ano nga pala ang pangalan mo, pare?
Jon Cabron: ako si jon, pare.

—- katahimikan at titigan—–

Lalaki: ahhhhhmm sige alis na ako, ingat ka pag uwi.

huli na nung makilala ko kung ano ‘yung naaninag ko na paghihintay at pag aasam sa mga mata n’ya sa sandaling katahimikan at pagsasalubong ng mga mata namin na ‘yun, naghihintay s’ya na itanong ko din ang pangalan n’ya at makipag palitan ng numero. huli na ang lahat kaya wala akong ibang nagawa kundi bumulong na lang sa hangin ng

“salamat sa tae, kaibigan”.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “ang lalaking iyon”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s