mas ayos na ang madukutan kesa maholdap

kung sinasabi ng iba na para sa kanila mas gugustuhin pa nilang manakawan kesa masunugan iba naman ang sa akin, mas ayos na ang madukutan kesa maholdap. awa ng diyos naman hindi ko pa nararanasang maholdap talaga, aminado ako na isa sa limang sitwasyon na pinaka kinakatakutan ko bukod sa baradong inidoro sa bahay ng nililigawan ko na huli ko ng nalaman habang hinihintay ako sa hapag kainan ng pamilya n’ya ay ‘yung maging sunud sunuran sa isang tao habang may nakatutok na baril o ano mang matulis na bagay sa tagiliran ko. dalawang beses na akong nadukutan at hindi ko ‘yun ininda kahit na nawalan ako ng celfone nung una na regalo pa naman sa akin ng tatay ko nung nagtapos ako ng kolehiyo. ang totoo, wala pa yatang limang oras kong ininda ‘yun at nung naalala ko na may backup nga pala ako ng listahan ng mga numero ng mga importanteng tao sa akin nagkaron ako ng abnormal na pakiramdam na naisahan ko ‘yung mandurukot.
swerte pa rin ako talaga na hindi ko pa nararanasan ‘yung naranasan ng pinsan ko sa loob ng isang pampasaherong jeep kung saan walo silang pasahero at dalawa dun ang holdaper. s’ya lang naman daw ang ginalaw, tinutukan s’ya ng icepick sa leeg habang nililimas nung isa sa kaliwa n’ya ‘yung laman ng bulsa n’ya. s’yempre walang nagawa ‘yung ibang pasahero kundi panoorin na lang kung papaano magmakaawa ang pinsan ko. kung sa akin nangyari ‘yun, wala akong pakialam tangina iiyak talaga ako kahit may nanonood.
nung nakaraan lang sa balita sa telebisyon, matapos mahuli nung mga pulis ‘yung tatlong menor de idad na holdaper aminado sila na hindi aabutin ng isang buwan makakalabas din ‘yung mga ‘yun, at katunayan nga ‘yung isa sa mga nahuli kakalabas lang ng kulungan tatlong araw pa lang ang nakakalipas sa parehong kaso din. hindi ko talaga alam kung bakit pinapaboran pa rin hanggang ngayon itong mga kabataan na ‘to, dapat talaga baguhin na ang batas tungkol d’yan kasabay 6885282647_9388613bcfng kung ilang ulit ng nagbago na takbo ng pamumuhay sa pilipinas. wala kayong alam kung ano ng karumal dumal na kayang gawin ng isang kinse anyos na bata sa mga panahon ngayon. ang lalong nakakabuwisit ‘yung pag nahuli ‘yang mga ‘yan akala mo mga maaamong tupa kung humingi ng tawad sa mga biktima nila na kani kanina lang e halos mapa ihi na sa salawal dahil sa takot sa kanila.
may naging kaibigan din ako dati na snatcher naman sa alabang, bata din. tuwing nahuhuli s’ya ang tawag n’ya dun hindi kulong kundi bakasyon, libre higaan at libre pagkain nga naman tapos wala pang isang buwan makakalabas na s’ya, back to business na naman pero s’yempre kailangan n’ya munang magbawas ng timbang dahil nakakataba daw ang buhay sa loob ng bakasyunan, lugi nga naman pag nagkahabulan. tingin ko kung hindi man natin malunok talaga ng buo na kahit ibaba man lang ‘yung batayan ng idad sa batas para magamit nilang depensa ‘yung pagiging menor de idad nila siguro maggawa na lang tayo ng bagong parusa na para lang sa mga kabataan. para sa akin kung unang beses pa lang naman na lumalabag sa isang hindi naman ganun kabigat na batas ‘yung bata p’wede na siguro ‘yung parusahan s’yang magbisikleta ng paikot ikot sa may luneta habang nakasuot ng brief na itim at pantalong masikip na pinutol at ginawang shorts hanggang magka hadhad tapos wisikan ng cologne ang singit n’ya pagkatapos.
para naman dun sa mas mabibigat na kaso at mga nakailang ulit na sa paglabag nun natural na mas mabigat ang  parusang naghihintay para sa kanila , katulad ng pagtali sa kanya sa isang upuan ng isang bakanteng sinehan na walang ibang palabas kundi ang iba’t ibang reaksyon ng mukha ni miguel pag nakakaisip s’ya ng masama.

miguel

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “mas ayos na ang madukutan kesa maholdap”

  1. 2 beses akong nadukutan, minsang naholdap, natutukan ng baril sabi cellphone lang ang kukunin kaya lang natipuhan ang relo ko na kabago bago, kinuha din. gusto kong sabihin sabi nyo cp lang? di na lang ako nagsalita baka iputok eh. actually, habang nagyayari ‘yun wala akong kaba, pero pagbaba ng mga holdaper nangatog talaga ako.😦 ilang buwan bago ako nakamove on, traumatic kasi yung tutukan ka ng baril. sa mga menor de edad naman na gumagawa nun, di ko magawang sobrang magalit, dala ng kahirapan. nakakaawa. kung ginabayan lang sana ng mga magulang ng tama.

    1. naranasan ko ng habulin ng saksak sa isang away-lasing at hanggang ngayon kumukulo ang sikmura ko sa nerbyos pag naaalala ko ‘yung tagpong ‘yun, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa harapan na may nakatutok na baril sa akin natatakot ako na baka ako pa mismo ang magkalabit nun para lang matapos na lahat.
      para sa akin hindi katwiran ang kahirapan para gumawa ka ng masama p’wera na lang kung madaliang kailangan mo ng pera para pambili ng gamot ng isang nag aagaw buhay na mahal sa buhay pero kung para pantawid sa araw araw kagaguhan ‘yun at katamaran. nakakakita tayo ng mga batang naggagawa ng uling at mga batang nanlilimahid sa pagkalkal ng basura ayan ang dapat gawin ng mga bata dahil sa kahirapan hindi ‘yung kumuha ng sapilitan sa kapwa nila na kalimitan pa e gagabahagya lang naman ang iniaangat kumpara sa kanila.

      oh at isa pa, ‘yang mga kabataan na ‘yan kalimitan naman talaga pang bisyo lang ang kailangan nila kaya sila gumagawa nun. minsan pamporma.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s