kung papaano ko napagkakasya ang lahat kahit na maikli lang ‘to

pakiusap ‘wag n’yo na lang akong tanungin kung anong maitutulong ng mga impormasyon na ‘to para sa ikahihigpit ng kapit n’yo sa kristyanismo dahil seryoso hindi ko din alam, basta magsusulat lang ako at magbasa ka lang, ikinalulungkot ko na hanggang dun lang ang “relasyon” na kaya kong ibigay sa’yo.

7:30 AM
– tutunog ang alarm clock.
– magchecheck ng email sa celfone.
– facebook.
twitter.

7:50
– tsaka pa lang oobligahin ang sarili na ihiwalay ang likod sa kama.
– magtitimpla ng kape.
– tetestingin ang init ng kape gamit ang labi. “syet! mamaya na ‘to”
– magyoyosi sa labas.
– bubuksan ang ilaw sa kwarto.

8:00
– magpapatugtog sa laptop.
– “tangena male-late na ako”
– kukuha ng boxer shorts at tuwalya.
– yosi at celfone.
– tatakbo sa cr.
– magbabrowse sa net gamit ang celfone habang nakaupo sa inidoro.
– tumblr.
pep.ph.
fashionpulis.

8:07
– mag sesepilyo.
– mag aahit ng bigote.
– maglalagay ng sikretong sabon na nakakapag paguwapo pero parang mapupunit ang bunganga mo pag napangiti ka ng biglaan.

8:10
– “syet! late na ako, baka matrapik mamaya”
– hahakbang sa showeran.
– “letse! kaya lumalayo ang distansya ng kilay ko sa bangs ko sobrang init ng tubig dito!”

8:15
tatakbo sa kwarto.
– magmemedyas.
– suot ng pantalon.
– haharap sa salamin para mangulangot.
– haharap sa salamin para mag linis ng tenga. (hindi ko alam kung bakit kailangan kong makita ang sarili ko habang nanununuli)
maglolotion sa braso.
– maglalagay ng deodorant.
– magiispray ng pabango.
– magsusuot ng tshirt.
– magiispray ng pabango.
– magsusuot ng sapatos.
– maglalagay ng gel at magsusuklay.
– magyoyosi sa labas.

8:25
– uubusin ang kape ng tatlong punong lagok lang.
–  magsusuot ng polo.
– magiispray ng pabango.
– kukunin sa tabi ng laptop ang laman ng pantalon sa kanang bulsa.
* lighter
* bolpen
– celphone sa kaliwa at ipod.
– maglalagat ng panyo sa likod na bulsa ng pantalon.
– kukumpirmahin na nasa likod na bulsa din ang pitaka.
– papatayin ang ilaw.

8:35
– papatayin ang tugtog sa laptop.
–  
nananakbong palabas ng bahay
– “male-late na ako bolsyet!”

pag nakasalubong ko ‘yung babae na nakauniporme ng al ansari exchange at nakapayong ng bulaklaking brown sa tapat ng isang partikular na building na palatandaan ko, ang ibig sabihin hindi pa ako late nun kaya hindi ko pa kailangang mataranta.

ayun lang, ituloy n’yo na kung anong ginagawa n’yo kanina at kalimutan n’yo na lang lahat ng nabasa n’yo dito.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “kung papaano ko napagkakasya ang lahat kahit na maikli lang ‘to”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s