ang hindi nasusulat na batas

ilang araw ko na din lihim na sinusubaybayan ang facebook account n’ya na halos dalawang linggo na rin ang nakalipas nung aksidente kong nahanap sa listahan ng isang dating kaibigan na nag uugnay sa aming dalawa, makailang ulit ko na rin pinigilan ang sarili ko para magpadala ng mensahe sa kanya sa ilang beses na nakaramdam ako ng seryosong saya sa tuwing nakikita ko ang mga litrato n’ya at ng pamilya n’ya, seryosong walang halong malisya.
mahigit sampung taon na rin ang nakakalipas pagkatapos ng pinakahuli naming pagkikita, aksidente lang ang lahat nun na habang nag aabang ako ng jeep may mabilis na nadaanan ang mga mata ko na pamilyar na mukha mula sa gilid ko at hindi tulad ng sa ibang ordinaryong tagpong ganun, hindi ko kinailangang maghagilap pa ng pangalan sa kailalim laliman ng utak ko, masyado kong saulado ang bawat bahagi ng mukhang ‘yun para makalimot ako.
kinamusta ko s’ya at hindi ko alam kung talagang wala kaming nabuong paksa nung gabing ‘yun o talagang sinadya namin pareho na walang buuin na kung anong paguusapan para hindi na magtagal ang aksidenteng paghaharap namin na ‘yun basta naramdaman ko na lang na gusto n’ya ng bumitaw kaya mag ingat ka pag uwi na lang ang naging tugon ko sa sagot n’ya na ok naman s’ya. ganun lang, walang kuhanan ng numero o kung anumang paraan na magbibigay ng posibilidad para magkita ulit kami o makapag usap man lang. nakakapanibago, parang hindi kami ‘yung dating madalas mapagkamalan na magkamukha na dahil sa halos hindi na kami naghihiwalay, kami ang perpektong halimbawa dati ng kung asan ‘yung isa siguradong andun din ‘yung isa, at kami ang relasyong matatag na sumasagupa sa lindol at bagyo. hanggang nagising na lang ako isang araw nun na nagbago na ang lahat, ako ang may kasalanan.
simple lang sana ang ililitanya ko kanina kung nabigyan lang ako ng pagkakataon,

natutuwa ako na nakita kang masaya at hindi man direktang naitama ng kaligayahan mo ngayon ang maling ginawa ko dati at least kahit papaano nagkaroon ng dahilan ang lahat.

pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon dahil unang bungad ko pa lang binlocked n’ya na agad ako sa facebook pero naiintindihan ko kung bakit n’ya ginawa ‘yun at sa ikalawang pagkakataon aaminin ko na nagkamali ako, hindi ako dapat nagparamdam pa. naniniwala ako na merong batas na hindi nasusulat na pag maligaya na sa iba ang isa wala ka ng karapatan na magparamdam pa sa isang ‘yun dahil posibleng pagsimulan ka pa ng away at makagulo. seryosong natangahan ako sa sarili ko dahil sa maling aksyon na nagawa ko ng hindi nagiisip at tinatanggap ko na hindi ‘yun mapagtatakpan ng dahilan na “wala naman malisya”. duraan n’yo ko sa mukha at pandirihan dahil tatanga tanga ako.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “ang hindi nasusulat na batas”

  1. Akala ko ako to..kaya lang 10 years ago e. and di pa tayo nagkikita ever. It’s nice chatting with you though. akala ko nakalimutan mo na ako. :blush: namiss kitang bigla at bigla kong naalala, may blog ka nga pala. and as usual, napatawa mo na naman ako… :biggrin:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s