kung bakit ako laging puyat lately

madalas na sa tuwing pagkakatapos kong kausapin ang nanay ko sa telepono nakakaramdam ako na naholdap ako ng taxi driver, andami kasing pasikot sikot nun magkuwento. iba ang nangyari nung nakaraang araw, hindi ko alam kung saan namin sinimulan ang usapan basta nadaanan namin ang isang istorya nung bata pa ako, istorya na muntikan ko ng makalimutan kung hindi n’ya lang ipinaalala.
malabo na sa akin ang ilang detalye pero parang puzzle na unti unting nabubuo sa tuwing may binabanggit s’yang ilang mahahalagang bagay tungkol dun, nasa pagitan daw ako ng idad apat hanggang anim na taon nun at nangungupahan daw ang babaeng ‘yun sa paupahan ng mga tiyahin ko, ang idad hindi nalalayo sa kanya baka mas matanda lang sa kanya ng ilang taon. nagkagulo daw ang mga kalalakihan sa compound namin paglipat nila sa lugar namin dahil bukod sa tisay e sobrang sexy daw nung babae na ‘yun at dalaga pa. nalaman n’ya na hilda ang pangalan nung babae at hindi nagtagal naging palagay ang loob nila sa isa’t isa. si hilda ang naging tigapag alaga ko sa tuwing kinakailangang umalis ng nanay ko sandali para ihatid ang kuya ko sa eskuwelahan at pagkatapos nun didiretso na s’ya sa palengke para bumili ng iluluto para sa buong araw, wala daw problema sabi ni hilda dahil mahilig s’ya sa bata talaga at napupunan ko daw ang pagkamiss n’ya sa mga pamangkin n’ya na nasa probinsya.
madalas daw na abutan ako ng nanay ko na natutulog na sa kama ni hilda pag bumabalik na s’ya,

“napagod sa paglalaro, ihahatid ko na lang sa inyo pagkagising”

kung meron akong pinagsisisihan sa panahon ngayon iyon ‘yung bakit hindi ko naisipan na tandaan ang bawat minuto at sandali nung mga oras na ‘yun, kahit pigain ko ngayon ang utak ko wala akong maalala kung ano ang mga nangyayari sa pagitan mula sa pag hatid ng nanay ko sa akin sa pinto nila hanggang sa pagbalik n’ya, ang tanging naaalala ko lang ay ‘yung picture namin habang karga n’ya ako at nakasandong puti s’ya at shorts na sobrang ikli sa pambaba. hindi ko alam kung anong takbo ng utak ko nung idad ko na ‘yun pero nasisiguro ko na kung ngayon na eto na ako at ngayon n’ya ako aalagaan, sinisiguro ko na hindi lang ako ang mapapagod sa loob ng kwarto na ‘yun at sigurado rin na hindi kami dadatnan ng nanay ko na basta natutulog lang.
bumalik ang diwa ko mula sa malalim na pag iisip at pagpapantasya nung tinanong ng nanay ko kung nasa linya pa ako, sumagot ako ng oo ng pautal utal at bumalik sa usapan.

“ayun nga, inadd ako sa facebook ni hilda at andyan din pala s’ya sa dubai”

ako: HA??!

“..nabanggit ko na mahigit isang taon ka na d’yan pero hindi pa sumasagot sa akin, baka hindi pa nababasa”

napatayo ako ng biglaan mula sa kinauupuan ko at tumama ang maselang parte ng katawan ko sa kahoy na nakakabit sa mesa para mahila at magamit mo ang keyboard mo pero hindi ko ‘yun ininda at wala akong pakialam. seryosong kung nagunaw ang mundo sakto nung mga oras na ‘yun malamang mapapabilang ako sa unang limang tao na hihigupin ng biyak na lupa dahil sa mga kabastusang posibilidad na otomatikong naisip ko nung mga oras na ‘yun.

“iadd mo kaya tignan mo kung makikilala ka pa, matutuwa ‘yun”

at sa puntong ‘to nalulungkot ako para sa nanay ko sa posibleng kahinatnan n’ya sa oras na ‘yun dahil sa henyong ideya n’ya na ‘yan. matapos kong makuha ang buong pangalan ni hilda at lihim na magpasalamat sa nasusunog na nakasalang na isda sa kalan para biglaang matapos ang usapan namin ng nanay ko at matapos kong ayusin ang posisyon ng keyboard na nawala sa dapat n’yang kalagyan dahil sa pagkakabangga ng isang matigas na bagay dun, mabilis na tinipa ng mga daliri ko ang mahalagang impormasyon na ‘yun sa facebook para lang bumagsak ang mga balikat ko hanggang tuhod dahil sa pagkalimot kong isa alang alang ang mahabang panahon na lumipas.

hilda1

tatlong araw na akong hindi tumatawag sa nanay ko at nagbubukas ng facebook.
..at tatlong araw na din akong nagigising habang sumisigaw sa kalagitnaan ng gabi.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “kung bakit ako laging puyat lately”

  1. pwede pa yan! LOL

    naalala ko rin nung kabataan ko, may nag-aalaga saken na kapatid ng tita ko (asawa ng tito ko, so hindi ko kadugo). dalaga rin tapos tabi kami matulog pag hapon, pero nung naramdaman niya na may bumubukol sa shorts ko, nilayuan na niya ako noon din.😦

    1. naalala ko tuloy nung napatira ako sa bahay ng malayong pinsan ng nanay ko na manikurista, nung may nakapa s’yang bukol sa loob ng shorts ko pinauwi n’ya ako dahil akala n’ya nagnanakaw ako sa kanya ng bote ng gamot na pula :unsure:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s