lapis at papel

para sa ilan nagsisimula daw ang buhay sa oras na ipinanganak ka na, pero kung mas lalaliman mo at hahanapin ang tunay na kahulugan nun mas tamang sabihin na nagsisimula ang buhay sa pagkakataon na mahanap mo ang papel mo sa mundong ito. swerte ang mga taong sa una palang alam na nila ang gusto nila sa buhay, kung pursigido sila maaga nilang mailalagay sa tamang puwesto ang sarili nila.
hindi porke’t humihinga ka buhay ka na, kung nasubukan mo na ang masaktan dahil sa nabigo o hindi nagkaron ng pagkakataong relasyon alam ko na alam mo na kung ano ang tinutukoy ko dito, ilang beses ko ng naranasan huminga habang patay akong naglalakad sa ibabaw ng mundo.
lahat tayo may nakahandang papel na gagampanan sa mundong ‘to at ikaw ang bahalang pumili ng role na gusto mo. trial and error at walang audition, hangga’t buhay ka pa may pagkakataon ka pang itama ang lahat kaya hindi touch move at hindi din no return no exhange. maaaring ikaw ang taga kuwento o ikaw ang tigapakinig. ang buhay ay hindi timbangan ng tama o mali kundi sukatan ng tagumpay at saya. puwedeng ikaw ang pinakamasayang basurero o ang pinakamalungkot na mayaman, hindi sukatan ang dami ng yaman para matimbang ang tagumpay.
p’wedeng ikaw ang manager ng isang kumpanya na nakaupo lang maghapon sa opisina mong de aircon habang umiinom ng kape at ang trabaho mo lang ay pumirma sa papel pero hindi ka masaya, kada araw na lumilipas unti unting nagiging silya elektrika ang tingin mo sa upuan mong de ikot na kapartner ng mesa mo. mas malimit akong makakita ng mensaherong pawisan pero masaya kesa sa nakangiting amo sa isang opisina.
ikaw ang magsusulat ng sarili mong kuwento, ikaw ang bida sa sarili mong istorya kaya kontrolado mo ang takbo nito.
huwag mong hayaan na maging ibang tao ang bida sa sarili mong kuwento. huwag kang pumayag na basta maging kamay ka lang na nakahawak sa lapis at nagsusulat base sa dinidikta ng ibang tao sa’yo, ikaw ang maging utak at kamay ng sarili mong istorya.
hindi ang pagkapudpod ng pambura ng lapis ang dapat mong bigyan pansin kundi ang pagkabutas ng papel, iyon ang paalala na paulit ulit tayong nagsisisi sa pagkakamaling paulit ulit din nating ginagawa.

nagsisimula pa lang ang buhay ko at wala akong planong tapusin ito sa lalong madaling panahon.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s