20 things i want to say to certain people

sali ako!

got this from  salbehe.com  list 20 things you want to say to certain people but you know you never will. don’t say who they are. – parang medyo madami masyado ‘yung bente pero ano pa bang inaanu ano ko? basta kung saan na lang abutin siguro. game!

1. ikaw ang kilala kong pinaka dunung dunungan sa lahat, tuwing may bagong pinaguusapan hindi pa ako nabibigo kahit minsan na pagbilang ko ng isa hanggang labing dalawa e makikisakay ka sa kung anong issue na ‘yun, at s’yempre pa gamit ang mga “paastig” mong mga banat na wala naman katuturan. 
2. hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko kung bakit pa kita naifollow sa twitter kahit na nung una pa lang e alam ko ng puro katangahan lang ang paggagagawin mo sa timeline ko. nagiging malambot talaga ang bakal pag pinaiinitan ito.
3. sana minsan pumasok sa isip mo na “lalong nakakapangit ng pangit ang pagiging pasosyal”
4. kung hindi ako si jon cabron at makakasalubong kita dito sa internet, iisipin ko na ikaw si jon cabron.. kopyang kopya e.
5. kung pag aaralan ng mga dalubhasa ang utak ko pag kausap kita at ‘yung pag nakatunganga lang ako habang pinapanood ang pag ihip ng hangin sa isang agiw na nakalambitin sa kisame, wala silang makikitang pagkakaiba sa takbo nun.
6. hindi dahilan ang pagiging “gentleman” ko kaya walang nangyari sa atin dati, ang totoo e hindi lang kita talaga masikmura.
7. dalawang beses mo na akong kinakanti kahit hindi naman kita inaano, kung sa tunay na mundo ay may tinatawag na “walang mawawala sa mukhang ganyan” pwes, ibahin mo dito sa loob ng internet.. ipapaalam ko sa’yo kung ano ‘yun sa pangatlo.
8. tingin ko bakla ka, ayos lang naman.
9. sayang ka, taas pa naman ng respeto ko sa’yo. pakiramdam ko masyado kang nainip sa buhay na matino kaya sa ganyan ka rin bumagsak.
10. alam mo kung bakit hindi ako naniniwala sa sinasabi mo na isa kang malaking tagahanga ng blog ko? kung totoo ‘yan dapat alam mo na nung una pa lang na hindi ka dapat naglalalapit sa akin.
11. kung komedyante ka sumikat ka man hindi ka tatagal kase nakakatawa ka lang tignan pero hindi ka naman nakakatuwa.
12. nahahighlight ng pagiging bobita mo ang kapangitan ng itsura mo kaya kesa gumastos ka sa pantapal sa mukha mo bumili ka na lang ng libro.
13. hindi nadadala ng lalim ng pagtatagalog mo ang kababawan ng mga sinusulat mo.
14. gusto kitang bugbugin, one time lang.
15.  ‘wag mo ng ipagyabang ‘yang yaman mo para magpapogi dahil mas lalo kang nakakaawang tignan na mayaman ka na nga wala pang nagkakagusto sa’yo.
16. crush kita, sa tingin ko hindi ako madidiring kendihin ang kendi na kinendi mo na ng isang oras kahit may ubo ka pa.
17. nung sinabi ko na gusto kita? inuuto lang kita nun.
18. ikaw ang babaeng pinapangarap kong lokohin.
19. alam ko na may pinagsabihan kang tao dati na ayaw mo sa akin dahil mayabang ako.
20. maraming salamat sa pagho host nitong blog ko, hindi nakalagpas sa akin na isang taon mahigit na rin ‘yun. hindi ko lang alam kung papaano ka papasalamatan dahil sa sinabi mo dating dahilan na hindi ko na maalala pero ang dating sa akin e ayaw mo lang maiugnay ang pangalan mo sa pangalan ko. haha!

nag enjoy din naman ako dito sa benteng ‘to kahit papaano.

PS
kung hindi mo tatanawin na malaking utang na loob ko sa’yo ‘to e p’wede bang paki subukan kung gagana ‘yang button ng facebook sa baba? salamat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “20 things i want to say to certain people”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s