sa facebook

alam mo kung ano ang lalong nagpaliit ng paikli na nga ng paikli na pananampalataya ko sa mga tao sa facebook? ganito ang senaryo, mag post ka ng picture mo na may kasama kang mga babae na p’wedeng mga pinsan o mga katrabaho mo tapos bumilang ka ng sampung minuto at matagal na ang twenty minutes ano ang mababasa mong mga komento mula sa kalalakihan sa facebook para sa pictures na ‘yun?

1. sino ‘yung nakapula?
2. ang ganda naman nung nasa kanan mo, may asawa na s’ya?
3. ang swerte mo naman, dala dalawa ‘yan ah!
4. sama ako ng sampu!
5. ipakilala mo naman ako d’yan!

o kung medyo pailalim ang atake

1. hi jon, antaba mo ngayon ah! ..sino ‘yung nakapula?
2. saan ka na nagtatrabaho ngayon? ..ang ganda naman nung nasa kanan mo, may asawa na s’ya?
3. hanep talaga ‘tong si jon ..ang swerte mo naman, dala dalawa ‘yan ah!
4. nakapunta na rin ako d’yan, sama ako pagbalik n’yo. ..sama ako ng sampu!
5.  kelan ‘to? .. ipakilala mo naman ako d’yan!

seryoso?

hindi ako magtataka kung may ilang daan na rin ang nagagastos mo sa kakabigay ng load sa kung sinong pekeng ellen adarna sa internet dahil tanga ka at hindi ako mabibigla kung masasalat ko na puro kalyo na ang dulo ng mga daliri mo kakapasa mo ng mga post sa facebook tungkol sa pagtulong sa mga may sakit sa pamamagitan ng reblog, at lalong hindi ako magugulat na kumpiyansa kang mapupunta ka sa langit daw ilang buhay na rin ang inaasahan mong nasagip mo sa pamamagitan nun.
pakiramdam ko ang tingin ng mga kalalakihang ‘to sa naga upload ng ganung pictures dun e walang pinagkaiba dun sa sikat na tiga gawa ng project gamit ang makinilya sa may bilyaran malapit sa lyceum na may sikretong folder na sikreto mo din p’wedeng irequest na makita, iyon ‘yung album ng mga estudyante daw na p’wede mong bayaran para makasama. kung naghahanap ka sa internet ng babaeng maisasama mo kung saan hindi ka sa facebook dapat tumatambay, dun ka sa camfrog o mas maganda gumastos ka sa mga dating sites o mail order bride.
o ang mas maganda patayin mo ‘yang computer mo, piliin mo ang pinakamaayos mong damit at lumabas ka mula sa madilim at amoy higaang kwarto mo. magsimula kang makihalubilo sa ibang mga tao, mga tunay na tao at hindi ‘yung mga may number at underscore ang mga pangalan.

ps.
kung susumbatan mo ako na akala mo naman kung sino ako na may social life., iho, hindi ko naging problema kahit minsan ang paghanap ng babaeng makakasama.
at kung titignan mo sa facebook wall ko ang mga pictures ko na itinag lang sa akin mababasa mo na andaming mga kababaihan dun ang nagku komento ng “sino ‘yung maputing mataba? sama ako ng sampu”.  YES!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “sa facebook”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s