muntik na akong magkalitson sa bertdey ko

ayoko pa sanang bumangon kanina, sinadya kong magpuyat dahil kagabi ko pa balak na magbabad sa higaan at bumangon lang pag madilim na sa labas. ‘yung tipong hindi na nakakahiya na mag inom ng mag isa. mahirap iwasan ang pagpapapansin ng telepono, mahirap magpakipot sa pag agaw n’ya ng atensyon ko. natabunan na ‘yung antok ko sa pagbabasa sana ng ilang mensahe lang.
iniisa isa kong sagutin ang mga pagbati mula sa twitter hanggang facebook ng nag ring ang telepono ko, babaeng hindi pamilyar sa akin ang boses at hindi pamilyar sa telepono ko ang numero. nakita n’ya daw ang papel ko sa internet at kailangan n’ya ng tulong dahil desperada na daw s’ya sa bagal ng computer na ginagamit n’ya sa opisina, kung p’wede ko daw puntahan kahit saglit lang. bago lang ang kumpanya namin, walang IT dito, ang sagot n’ya sa tanong ko kung bakit hindi n’ya ipagawa sa nakaposisyon sa kumpanya nila. at walang tao dito kundi ako lang ngayon, naman ang sagot n’ya sa sinabi ko na hindi ako makakaalis dahil busy ako.
mabilis ang rehistro ng mga posibilidad sa utak ko. ang “enkuwentro” sa loob ng opisina mula sa isang sekretaryang nag iisa ay karaniwang pumapasok sa listahan ng limang sitwasyon na hindi dapat palagpasin ng isang tunay na lalaki,
kasama ng mga sumusunod:

* teacher na pinaiwan ka sa klase dahil sa isang parusa mula sa kalokohang ginawa mo.
* isang babaeng hindi galing sa probinsya pero nag apply na katulong sa inyo para takasan ang magulang n’ya na pinipilit s’yang ipakasal sa kung kaninong intsik na tumalo sa tatay n’ya sa sugal.
* tita mo na dating nag alaga sa’yo nung bata ka pa.
* kapatid mo sa ama na ngayon mo lang nakilala

kinalkula ko ang distansya ng layo ng opisina nila mula sa panggagalingan ko, kulang kwarenta minuto din ang byahe mula sa isang taxi at tren. pinakiramdaman ko ang init sa labas, tirik ang araw! kung aasa ako ng jackpot malamang susugal ako ng taya pati pato. isa sa kahinaan ko, hindi ako sugarol. likas akong magulang at sa umpisa ng laban kung hindi ‘ko nakikita ang kalamangan ko laban sa kahinaan ng kaharap ko, hindi ako basta basta sumusugal. bago ko ilapat ang bibig ng tasa ng kape sa mga labi ko sinusukat ko muna ang init nun gamit ang daliri ko.
sa gitna ng pag uusap namin nakasingit akong itanong ang facebook account n’ya, hindi n’ya daw ibibigay kung hindi ako pupunta, matigas kong sinabi na hindi rin ako pupunta kung hindi ko makikita muna ang itsura n’ya, pinatulan n’ya ‘yung sinabi ko at nagkasundo kami na turuan ko na lang s’ya sa telepono ng dapat gawin, ‘ndot!
tinuruan ko s’ya kung papaano tignan kung ilan ang memory ng computer na ginagamit n’ya at kung papaano mag defrag at manalangin na iyon lang sana ang problema nun. ilang beses akong nabuwisit at muntikan ng magpasya na maghina hinaan ng signal hanggang maputol ang linya dahil sa katangahan n’yang sumunod sa mga sinasabi ko, at ilang beses din akong napaangat sa silyang kinauupuan ko pag sinasabihan n’ya ako na bagal bagalan ko dahil masyadong mabilis.. akong magsalita.
napag pasyahan namin na ibaba na ang tawag n’ya at hintayin n’ya na lang na matapos ang proseso. kinlaro ko din sa kanya na ‘wag na s’yang tumawag ulit kung sakaling hindi man gumana dahil wala na akong ibang p’wede at maisip gawin kung hindi ako pupunta mismo sa harap ng computer n’ya, isang simple pero diretsong pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na magbago ng isip at ipasilip sa akin ang itsura n’ya sana sa pamamagitan ng facebook. muli, pinatulan n’ya ang hamon ko.
hindi sa pagiging bitter o ano, pero hindi ako p’wedeng magkamali sa obserbasyon ko sa kanya sa sasaglit na ‘yun na mag kausap kami. alam ko kung mataba ang kausap ko sa telepono at napakabihira kong magkamali sa ganyan, alam ko ang pagkakaiba ng buntung hininga ng isang payat na babae dahil sa sama ng loob o pagkadismaya at ang malalim na pag hinga ng isang babaeng mataba dahil sa hindi kumportableng pagkakaupo n’ya. dito ko ipupusta ng buo ang taya ko pati pato at panabla na kung sakaling nagpasya akong pumunta dun isang babaeng pawisan ang aabutan ko sa opisinang ‘yun na maya’t maya ang punas gamit ang kamay n’ya sa pawis na tumatagaktak mula sa noo hanggang leeg n’ya at dahil wala s’yang magamit na computer at wala rin namang ibang tao sa opisina malamang maabutan ko pa s’yang natutulog dun habang nakayuko at nakaunan sa matabang braso n’ya.
habang nag iisip ako kung papaano tatapusin ang kwentong ito, muling nag ring ang telepono ko at numero n’ya ang nag rehistro. wala akong ibang maisip na dahilan para tumawag s’ya ulit kundi nakahanda na s’yang ibigay ang direksyon sa facebook account n’ya. dalawa lang ‘yan, maaaring mali ako at hindi s’ya ganun kapangit na mataba o hmmm pangit na mataba s’ya pero malakas ang loob.. hindi pa man pero tinalo na ng mga nakakakiliting posibilidad ang katwiran sa utak ko, buo na ang pasya ko! sasakay ako ng taxi at tren pagkalipas ng trenta minuto pagkaligo ko ng mabilis.

pero naputol ang pag ring ng telepono bago ko pa masagot. paksyet!

nagsayang ako ng limang minuto sa paghihintay na tumawag s’ya ulit bago ko napagpasyahan na ako na lang ang tumawag sa numero n’ya, delikado pag pinaabot ko pa ng pito o walong minuto.. nasa ganung minuto kalimitan nagbabago ang pasya ng mga kababaihan.

limang ring bago may nag angat ng telepono sa kabilang linya na agad ko naman nabosesan. nilinis ko ang lalamunan ko sa pamamagitan ng pag ahem bago ako nag salita.

Jon Cabron: hi! napatawag ka?
Babae sa opisina: ay! oo, ahhmm jon…..
Jon Cabron: yo?
Babae sa opisina: tapos na kase ‘yung defrag, view report ko ba o close na? sorry ha!

naramdaman ko ang mabilis na pamamaga ng mga ugat sa sintido ko.

Jon Cabron: seryoso? natural ikoclose mo na! kahit naman tignan mo ‘yung report hindi mo naman maiintindihan ‘yun!!
Babae sa opisina: ay oo nga hihihihi, sorry naman! salamat ulit, kabayan!

tinapos ko na ang tawag ng walang paalam.

tangenang chabelita na ‘yun nagastusan pa ako ng load!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “muntik na akong magkalitson sa bertdey ko”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s