dalawampu’t limang batayan kung bakla ang boypren mo. v2

nabanggit ko na dati na isa ang entry ko na pinamagatang “dalawampu’t limang batayan kung bakla ang boypren mo” sa pinakapaborito kong naisulat sa blog na ‘to. isa ang entry na ‘yun sa iilan na kumalat sa iba’t ibang networking sites, twitter, at plurk at sa kasamaang palad pati sa blog ng iba at inari nilang kanila. naging magaan sa akin ang simula hanggang katapusan ng entry ko. iyan ‘yung tipo ng kwento na tinapos mo sa isang upuan lang, dire diretso at kumbaga sa pagsisid ng mga salita isang lusungan mo lang nakuha mo na lahat ng kailangan mo.
at ngayon, sobra ng kaunti sa dalawang taon na lumipas muli akong magbibigay ng dalawampu’t limang batayan kung bakla ang boypren mo, bakit? dahil gusto ko.

bading ang boypren/manliligaw mo kapag:

1.  meron s’yang “fun, fun, fun” na album sa facebook.
2. “i love you more” ang sagot n’ya sa i love you mo.
3. meron s’yang kaibigan na babae o lalaki na BFF ang tawag n’ya.
4. pag pinuri s’ya ng kahit na sino, imbis na magpasalamat s’ya o mamaluktot sa hiya ang sinasagot n’ya “alam mo ‘yan!”
5. humihiling s’ya ng GV o good vibes bago n’ya simulan ang araw n’ya pagkagising at pinopost n’ya ‘yun sa wall ng facebook n’ya.
6. pag isinama mo s’yang mamili at magsukat ng damit mo hindi mo s’ya makikitaan ng pagka inip at inis.
7. kung lagpas na kayo ng tatlong buwan at sinamahan ka pa rin n’yang bumili at magsukat ng damit mo.
8. alam n’ya na tuwing huwebes ang labas ng one tree hill sa torrent.
9. naka vest s’ya pag nagsisimba kayo.

pag niyakag mo s’yang mag bar at niyaya mong sumayaw:
10. pumayag s’ya.
11. naka nguso s’ya habang sumasayaw.
12. pinapatunog n’ya ang daliri n’ya habang sumayaw.

pag dinala mo s’ya sa inyo at:
13. nagustuhan s’ya ng nanay mo agad sa una nilang pagkikita.
14. matapos magkakilanlan at kaunting usap, sumama s’ya sa nanay mo sa kusina imbis na makipag kuwentuhan pa sa tatay mo ng tungkol sa pulitika, sports, o sasakyan.
15. wala s’yang nasabing masama sa tatay mo kinabukasan.

16. galit s’ya kay kc concepcion
17. naka follow s’ya sa twitter ni papa jack at krisaquinostd .
18. may “iam” sa unahan ng pangalan n’ya sa twitter (ex: iamronaldo)
19.  wala s’yang totoong tattoo pero nagpapalagay s’ya ng henna tattoo pag nagbi beach kayo.
20. hindi s’ya nag uulit  ng panyo sa magkaibang araw.
21. imbis na bumili, ginawaan ka n’ya ng card nung monthsary n’yo.
22. alam n’ya na lumipat na si derek ramsay sa channel 5.
23.  binigyan ka n’ya ng card nung monthsary n’yo.
24.  maingat n’yang pinupulupot ang kable ng earfone bago n’ya ilagay ‘yun sa lalagyan.
25. pareho sila ng porma ni bruno mars.

sa lahat ng babaeng tinamaan, pasensya na pero kung gaano ako kasigurado na naiinis ka sa akin ngayon ganun din ako kasigurado na papasalamatan mo rin ako bukas.
at kay kumpareng silahis, ‘wag ka ng mag kaila! alam ko ang nangyayari dito..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

20 thoughts on “dalawampu’t limang batayan kung bakla ang boypren mo. v2”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s