panel interview

   kinakabahan ako bukas para sa panel interview ko, huling interview na ‘yun bago ako pumirma ng kontrata sa kanila. pakiramdam ko nakatakda akong bitayin at kailangan kong idepensa ang sarili ko para mapawalang sala ako. kung follower kita sa twitter, ito ‘yung kasunod nung nabanggit ko nung nakaraan na isang oras akong sumalang sa interview na ikinasakit ng panga ko. oo, pumasa ako dun at eto na nga.  tatlo daw ang mag iinterview, isang chief accountant, isang assistant manager, at ‘yung tiga HR. seryosong mas kabado ako dun sa tiga HR, alam ko na bunganga nun ang mangingibabaw bukas para gisahin ako ng mga tanong na wala namang kinalaman sa trabahong papasukan ko. pinapanalangin ko na sana ‘wag akong panlaputan ng laway bukas sa pagsisinungaling sa mga kalakasan at kahinaan ko at sa mga iba pang kasinungalingang papakawalan ko bukas.
maging iba sana ang bukas sa nakaraang panel interview na sinalangan ko nung isang taon kung saan sa isang tanong na teknikal ay nakapag gawa ako sa isip ko ng isang tula kung gaano kaputi ang whiteboard sa harapan ko. at sa ikalawang tanong, nasaulo ko kung ano ang itsura ng kapaligiran sa labas ng bintana nila. seryoso, hanggang ngayon kung sakaling marunong lang akong magpinta kaya ko pa rin iguhit ang lahat ng matatanaw mo sa bintana ng conference room na ‘yun nung eksaktong oras na andun ako. detalyado.
kinlaro ko na sa sarili ko na hindi ako uuwi ng bigo bukas. tatlong araw kong pinaghandaan ang bawat sagot sa mga posibleng tanong at matutulog ako mamaya ng may dictionary sa ilalim ng unan ko. maglalagay ako ng rosaryo bukas sa bulsa ko at magbabaon ako ng babolgum at kung sakaling umuwi pa rin akong talunan, uuwi akong sakay ng tren habang umiiyak at ngumunguya at wala akong pakialam kung ano man ang una kong mabunot sa loob ng bulsa ko.

PS:
‘wag n’yo na akong bolahin ng mga salita na “kaya mo ‘yan, jon” at mga kung anu ano pa dahil pag bumagsak ako bukas baka sapakin pa kita.

related na entry:
fukc! 

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “panel interview”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s