tengga

      hindi lang sigarilyo ang unti unting papatay sa’yo kundi pati na ‘yung pag papalipas ng ilang panahon na nakatengga lang ang utak mo. kumbaga sa bisikleta na ang trabaho ay sakyan s’ya para umandar, hinayaan mo lang ito na nakatambak sa isang sulok ng bahay n’yo. nauulanan, kinakalawang, at pinamamahayan lang ng gagamba. atrasong malaki sa sarili na iwan mo ang obligasyon mong matuto. ang utak ay halaman na kailangan mong diligan.
kung puno ka hindi sapat na basta yumabong ka lang, kailangan mong mamunga. tungkulin mong magbigay ng lilim sa iba at obligasyon mong mamunga.
isipin mo na kunyari alkansya ang ulo mo, papayag ka ba na basta palamuti lang ‘yan sa balikat mo? huwag! kahit paunti unti hulugan mo ‘yun ng karunungan, bigyan ng halaga at pabigatin mo para hindi basta tangayin ng hangin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “tengga”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s