totoo

sa tingin ko ngayon pa lang kailangan ko nang mag isip kung papaano ako mabubuhay sa ilalim ng lupa ng kung ilang buwan o  hanggang makahingi ang pamilya ko ng tulong mula sa gobyerno ng pilipinas at hanggang sunduin ako ng bise presidente dun sa pagtataguan ko. anlaki na siguro ng itataba ko sa mga araw na dadaan na ‘yun, s’yempre naman hindi ako makakapag exercise dun na katulad ng kung papaano ako magexercise dito sa ibabaw ng lupa na katulad ng ginagawa ko tuwing umaga .. kaya ang ganda ng katawan ko. ang gagawin ko lang dun sa ilalim kakain tsaka magdadasal, minsan magsasaltik pag hindi mainit.
dahil nangangako ako sa sarili ko na sa susunod na magsisindi ulit ako ng yosi at mangangamoy sinusunog na kambing ang mukha ko dahil sa pagkalagas ng bigote dahil sa iresponsableng pagpihit ng kung sino para mapalakas ang apoy ng lighter at hindi n’ya ‘yun kusang ibinalik, mababasa ng dugo ang maliit na bahagi ng buhangin sa disyerto.
at hindi ako papahuli basta basta.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s