tabachingching

pag mataba ka madali kang makakaiwas sa mga lalaking manloloko dahil pag may nanligaw sa’yo alam mo agad na hindi katawan mo lang ang habol n’ya. p’wera na lang kung estudyante pa lang kayo at malaki ang posibilidad na pinapasakay ka lang n’ya para gawing kopyahan sa exams o tiga gawa ng projects at taga pila sa bayaran tuwing midterm at finals o kaya ginagawa ka lang palang subject sa isang pustahan.
hindi ka mahihirapang maghanap ng kagrupo sa eskuwelahan pag mataba ka dahil alam naman natin na sa isang grupo ng mga estudyante dalawang bagay ang hindi mawawala para makumpleto ‘yun, isang mataba o isang bakla. pag mataba ka pilitin mo na maging hindi lang basta mataba ka, maging matalinong mataba ka kung ayaw mong maging habambuhay na payaso ng grupo. tagabuhat ng mga mabibigat pag may outing, unan at sofa pag matrapik, at tiga takbo sa labas ng eskuwelahan para bumili ng payong para sa lahat.
ang nakakatawa, ikaw lang sa grupo ang no boyfriend since birth pero ikaw palagi ang hingahan ng problema tuwing may kaibigan na nasasawi sa pag ibig, ikaw lang kase ang may malaking posibilidad na nasa bahay lang sa mga madalas na oras na ‘yun at dahil isa kang tunay na kaibigan nakahanda kang itigil ang pagkain mo para dumamay, best friend forever.

hindi ka naman basta nilugi lang ng diyos kung mataba ka at hindi mo dapat kainggitan ang mga babaeng payat dahil nung nilikha ka naman n’yang ganyan binigyan ka rin n’ya ng extrang laman sa dede, kahit papaano iyon ang nilamang mo sa mga babaeng payat. taba kung taba pero dede pa rin ‘yan at kalimitan sa mga lalaki ang dede ay dede, tapos.
pag mataba ka dapat hindi ka suplada, umiwas ka sa away dahil paniguradong hindi ka mananalo sa asaran. dapat lagi kang nakangiti at laging maaliwalas ang mukha mo para malibang ang kaharap mo na titigan ang mukha mo at bago pa mapunta ang tingin n’ya sa mga bilbil mo may ilang segundo ka pa para magbukas ng pag uusapan.
isipin mo na lang na pag mataba ka kahit papaano nagmumukha kang mayaman.
at pag mataba ka hindi ka madaling makidnap.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

20 thoughts on “tabachingching”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s