‘wag mo ‘kong salingin

tsaka mo na lang intindihin ang lahat pag hindi ka na bulag at kaya mo ng timbangin ang tama at mali at kaya mo ng tignan ang mga tama sa mali.

hindi ako magsusunog ng tulay dahil nasa punto ako ng buhay ko kung saan hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. maaaring paglipas ng panahon magkasalubong ulit tayo at magtagpo, pero magluluwag ako ng ilang turnilyo sa tulay na ‘yun at pag nakarinig ulit ako ng salita mula sa’yo patungkol sa akin kakalasin ko ang tulay habang nasa gitna ka. hindi ‘yan banta, iyan ay pangako.
mag ingat ka sa asong tahimik dahil sila ang basta basta na lang at biglaang nangangagat pag kinanti mo, ‘wag mong ipagsa walang bahala ang pantal na kayang idulot sa’yo ng maliit na lamok  na hindi mo alam kung saan nagmula. mas madaling ilagan ang kagat ng aso na bibigyan ka muna ng babalang kahol kesa sa lamok na aali aligid muna sa tabi mo habang maliwanag at tahimik na aatake sa’yo pagsapit ng dilim.
malaking pagkakamali na basahin mo na isang kahinaan ang pagiging tahimik ko sa harapan mo, hindi lang talaga uso sa akin na mag imbento ng mga salita o magbukas ng mga paksa na alam ko naman na walang patutunguhan para lang may mapag usapan.
kung ang basa mo sa pagiging tahimik ng isang tao ay pagkailang o pagiging mabait at kung ang pagiging ina ay kinakailangan pa ng lisensya at kung ako ang naatasan para magbigay ng lisensya na ‘yun, paniguradong babagsak ka sa akin at walang katapat na halaga para mabayaran mo ako na ipasa ka.. nakikita ko sa hinaharap mo ang isang ina na kakayan kayaning utuin ng sarili n’yang anak. ina na matinong bata ang tingin sa anak n’ya habang nagwawala ito sa likuran n’ya. pagod na ang mundo sa mga ganung uri ng bata, hindi ako papayag na maging instrumento para magdagdag pa ng ganun dito. pag sampung taon na ang anak mo hindi imposible na tapunan n’ya ng dishwashing liquid ang tubig ng aquarium ko, oo, wala akong alagang isda sa ngayon pero hindi imposible na magkaron ako nun sa mga lilipas na taon. sa idad na kinse malamang isa na ang anak mo sa mga kabataang nambibiktima ng mga taxi drivers at sakay nito, bubuksan ang pinto ng sasakyan at hahablutin ang mga bagay na maaari nilang ibenta. tarantado kayo ng anak mo, malay mo nanay ko ang pasahero sa taxi na ‘yun! sa idad na bente ano ang posibilidad na p’wedeng gawin ng anak mo? ligawan ang anak ko at itanan tapos iiwananan. hindi ako tanga para payagan ang lahat ng ito.ikaw na lang ang magsilbing huling tanga sa pamilya n’yo.
wala akong pakialam kung ang kumbinasyon n’yo ng boyfriend mo ay isang tanga at isang bakla, masakit sa mata pero kaya kong magsawalang kibo tungkol dun, basta lumayo kayo sa nasasakupan ko. magpakatanga ka minu minuto at maglulumandi ang boyfriend mo oras oras wala na akong pakialam dun, hindi naman makakaapekto sa akin ‘yun. hindi naman kita kamag anak.
nirerespeto kita pero walang saysay sa akin kung mawala ka man sa buhay ko, hindi ko pinanghihinayangan ang isang bagay na hindi ko naman kailangan sa buhay ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “‘wag mo ‘kong salingin”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s