isang entry na pambata

isang ordinaryong hapon ‘yun bago magpalit ang araw at buwan. nakaupo sa isang malaking tipak ng bato ang isang lalaki at nakatanaw sa kawalan habang pinaglalaruan ng mga daliri n’ya ang mga libag na naipon sa paa n’ya dahil sa maghapong paglalakad. pino problema n’ya ang ngayon at bukas, ang renta sa bahay, damit na pamorma, at dating nobya na biglaan s’yang iniwan. kaya pala sinabihan s’ya nung babae na ‘yun na iadvance na lang ‘yung regalo n’ya para sa monthsary nila isang linggo bago pa man sumapit ‘yun, may nararamdaman na pala ‘yung babae nung mga panahon na ‘yun mula sa tiyan n’ya na nagmula sa kaibigan nito.
malayo na ang nararating ng isip ng lalaki ng nakarinig s’ya ng isang maliit na tinig na humihingi ng saklolo, dinala s’ya ng boses sa ilang dahon na pinagkakabit ng isang makapal na sapot at nasa loob nun ang isang gagamba at isang insekto.

lalaki: ikaw ba ang humihingi ng saklolo?
munting tinig: ako nga kaibigan, papatayin n’ya ako! ilayo mo ako dito!
lalaki: ano naman ang mapapala ko kung tutulungan kita?
munting tinig: pag tinulungan mo ako, susunod ako sa lahat ng gusto mo.
lalaki: pag tinulungan kita d’yan magiging alaga kita at sisikat ako.. handa ka bang maghatid ng pera at kasikatan sa akin?
munting tinig: oo, pag iniligtas mo ang buhay ko magiging utang ko sa’yo ‘yun at gagawin ko ang lahat para mabayaran ‘yun sa’yo.

nag isip ang lalaki, pag iniligtas n’ya ang nag mamay ari ng tinig sigurado nga na sisikat s’ya at yayaman, mapapalitan n’ya ng hindi lang isa kundi mas marami pa ang nobya n’ya. ipamumukha n’ya dito na kung naghintay hintay lang ‘to at hindi lumandi, kasama sana s’ya sa swerteng tatamasahin n’ya.
kinuha ng hinlalaki at hintuturo n’ya ang gagamba at dinurog n’ya iyon gamit ang mga daliri n’ya. lumabas ang berdeng likido mula sa tiyan nun at humalo sa libag na nasa kamay n’ya mula sa sariling paa na kinudkod n’ya kanina.
binalikan n’ya ang insekto.

lalaki: ginawa ko na ang gusto mo insekto, umaasa ako na tutuparin mo ang napag usapan natin.

pero hindi sumagot ang insekto kaya ginalaw galaw n’ya iyon gamit ang hintuturo n’ya at mahinang hinipan.

lalaki: ano na ang nangyari sa napag usapan natin? gusto mo bang gawin ko sa’yo ‘yung ginawa ko dun sa gagamba?

nakatingin lang ang insekto sa kanya.

lalaki: sinasayang mo ang oras ko!

kinuha n’ya ang insekto at kinulob n’ya sa mga palad at kinalog kalog sa tangkang hiluhin iyon ng nakaramdam s’ya ng isang pinong kagat sa kamay kasabay ng mabilis na pagkalat ng kamandag ng insekto sa sistema n’ya na dahan dahang nagpamanhid sa parteng iyon ng kamay n’ya. agad n’yang nabitawan ang insekto na mabilis na tumakbo at nagtago sa mga dahon.

huli na nung malaman n’ya na ‘yung gagamba pala ang humihingi ng tulong sa kanya dahil sa takot sa makamandag na insekto.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “isang entry na pambata”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s