tatay ko

kuwento ng tatay ko dati, nung unang panahon daw mga lalaki ang nireregla pero dahil hindi maalaga ang mga lalaki sa sarili nila inilipat ‘yun ng diyos sa mga babae. sa idad ko ngayon at dahil wala naman akong matatawag na kaibigan talaga kaya madalas na nakatunganga lang ako sa kwarto at nagiisip ng kung anu ano, napag buhusan ko ng atensyon ‘yang sinabi n’ya na ‘yan dati at isang bagay ang napatunayan ko..
mahilig mag imbento ng kwento ang tatay ko para lang masabi na may natutunan akong bagay sa kanya. iniisip n’ya siguro na mapupunan nun ang mga pagkukulang n’ya sa akin. nasaan ang isang ama para magturo sa akin ng mga diskarte sa chess nung mga panahon na uso ‘yun? asan s’ya para turuan ako ng tamang lusot sa basketbol at kung paano manakit dun na hindi halata o maski ang simpleng pagdidribol lang ng bola? hindi ko s’ya mapapatawad sa mga sitwasyon na may bago akong kakilala at kaharap sa inuman na biglang magtatanong sa akin kung marunong akong magbasketbol na sasagutin ko ng oo at sa katunayan para akong si michael jordan mag dunk at si kobe bryant magdribol pag naglalaro ako ng basketbol sa pc.
seaman ang tatay ko at hanggang ngayon hindi pa rin nabubura sa isipan ko na umuuwi lang s’ya ng pilipinas para paluin ako. dati s’yang instructor ng karate at kahit man lang tamang pagsigaw ng hiyaaaaaaaah!!! hindi n’ya naituro sa akin, ilang beses dumugo ang mukha ko sa suntukan dahil pagkatapos kong maipulupot ang buhok ng kalaban ko sa kamay ko hindi ko na alam ang susunod na dapat at kailangan kong gawin.
‘wag n’yong ipagkamali, mahal ko ang tatay ko.. sa simpleng dahilan na asawa s’ya ng nanay ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “tatay ko”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s