tanong sagot 24

mga sinagot na tanong.
mula dito

T. bat ang pamilya madaling macra ng ganun ganun lang?
S. ang pamilya kase parang isang buong bahay ‘yan, pag hindi maayos ang pundasyon ng pagkakagawa konting uga lang bibigay talaga agad. minsan naman kahit gaano kaayos ang pagkakagawa kung mga salaula naman ang nakatira, wala din.

T. mabilis na question lang boss anong masasabi mona pinalitan ka na ni matabangutak sa tumblr? wala ka bang balak bawiin ang trono mo bilang hari ng pinoy quotations?
S. gusto kong sabihin na wala akong pakialam pero masyadong mayabang ang dating nun kung ganun lang kaikli ang isasagot ko. ganto na lang, aaminin ko na may bahagi ng pagkatao ko ang nanghinayang nung “bigla” akong umalis sa tumblr, biglaan kase at talagang halos hindi pinagisipan, kulang ang tatlo hanggang limang beses na pag titimbang para lisanin ang ganun kalaking bagay sa buhay mo pero nangyari na ang nangyari at hindi ko na maibabalik pa ‘yun. kaipokrituhang sabihin na hindi ako minsan dinadapuan ng pagkamiss sa pagsusulat ng mga patuka sa utak sa tumblr at kagaguhang pasinungalingan na hindi ko hinahanap hanap ang atensyon na nakukuha ko dun pero kahit ganun kabilis ang pag alis ko dun, bago ko pinindot ang button na gigiba sa espasyo ko sa tumblr naiset ko na ang utak ko na tapos na ako dun at wala na akong babalikan. marami na ang gumagawa ng ginawa ko sa tumblr bago ko pa pinasukan ‘yun at kahit papaano isang malaking bagay sa akin na kahit minsan hindi ako nasabihan dun na kumopya ako sa gawa ng kung sino o gumaya ako sa mga ginagawa ng kung sino, para sa akin isang hindi direktang insulto ‘yun sa isang manunulat.

T. sino si yani sa totoong buhay?
S. ang tunay n’yang pangalan ay josephine, produkto s’ya ng isang reality show sa channel 2 kung saan s’ya ang tinanghal na grand star dreamer. ..joke lang, si yeng constantino ‘yan.

T. magseseryoso kaba sa babae na may anak na?
S. hmmmm, kung isa lang ang anak n’ya sa tingin ko kaya ko pa ‘yun, seloso akong tao pero malawak din naman ang pang unawa ko pag nagmahal ako. basta wala na silang komunikasyon ng tatay ng anak n’ya sa tingin ko wala kaming magiging problema. siguro kung dalawa ang anak n’ya kailangan maging sobrang bait n’ya sa akin at todo todong effort talaga bago lumalim ‘yung relasyon namin. tatlo at apat, hindi ko na siguro kakayanin ‘yun.

T. ulol ka ba?
S. oo.

T. Ano ka sa tingin mo?
from: azecullen
S. hindi importante kung ano ako sa tingin ko, ano ako sa tingin mo ang mas dapat natin pag usapan.

T. paano mo ba malalaman na mahal ka ng isang taong may karelasyong iba?
S. kung gumagawa s’ya ng paraan para hindi mo maramdaman na may karelasyon s’yang iba.

T. ano ba ang dapat gawin pag nanlalamig ka na sa kasintahan mo pero mahal mo pa din naman siya, hindi na nga lang gaya ng dati? palagi bang tama ang kutob ng isang babae? kinukutuban ako na may ibang kinalolokohan ang boyfriend ko, dapat ba na mganhinayang?
S. pag mahal mo kase ang isang tao parang kalokohan na sabihing nanlalamig ka na sa kanya, dalawa lang kase ‘yan para sa akin, mahal mo o hindi mo mahal. baka nasa punto kana na hindi mo na s’ya mahal pero ayaw mong sa’yo manggaling ang ikakasira n’yo dahil baka pag wala na kayo madiskubre mo na mahal mo pa rin pala s’ya at ayaw mong pagsisihan ‘yun. kung tama, ibig sabihin isa ka sa mga tusong tao na hindi bibitawan ang barahang hawak n’ya habang hindi pa s’ya nakakabunot ng mas magandang baraha na kapalit nun. ibig sabihin, kayo pa rin ng boyfriend mo ngayon pero paalis ka na sa relasyon na ‘yan naghihintay ka na lang ng iba na sa tingin mo mas makakahigit sa kanya. ‘yung tanong mo tungkol sa kung totoo ba lagi ang kutob ng isang babae, masyadong malawak na tanong ‘yan dahil hindi mo naman nabanggit kung anong pinanggagalingan ng kutob mo, para mo akong tinanong kung pag umiiyak ba ang sanggol ibig sabihin gutom sila? madalas oo pero may mga iba pang dahilan kung bakit sila umiiyak.

salamat.
Jon Cabron

 

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.