alam mo na alam ko

sa pagsusulat dito sa mundo ng internet kailangan mong ibenta ang sarili mo. maaari mong ilako ang kakayahan mo o p’wede ka rin makuntento na lang bilang isang palamuti sa estante, dinadaan daanan lang at walang pumapansin. isa kang manunulat na ikaw lang ang may alam.
luma na ‘yung depensa na nagsusulat ka para sarili mo lang, kung hindi mo pa alam isa ako sa mga naunang gumasgas n’yang mga salitang ‘yan. parebeldeng depensa na magsusulat ako sa ayaw n’yo man o gusto na mas “magsusulat ako salamat kung magkukomento kayo at ok lang kung hindi, sa susunod na entry na lang” ang mas kahulugan.
Kung tatanggalin mo ang literal na kahulugan ng pagsusulat sa pag gawa mo ng blog, magiging pagsigaw ang kakalabasan nito. sumisigaw ka para isatinig ang gusto mong sabihin. itinatae mo ang dinadigest ng utak mo. hindi ka naman sisigaw kung ang intensyon mo lang ay magbawas ng kabag sa tiyan mo kung p’wede ka naman tahimik na umutot na lang sa isang sulok.
hindi ka naman nagsayang ng ilang oras sa pagpili ng magandang disenyo ng blog mo para maging kumportable ang sarili mong mga mata, katulad ng hindi ka naman pumili ng mga seksing bra at panty para akitin ang sarili mo.
hindi naman masamang magyabang basta ‘wag mong gagamitin ang kahinaan ng iba para iangat ang sarili mo. malamang maraming nag angat ng kilay nung inihain ko ang patuka sa utak na ‘yan lalo na ‘yung mga datihan ng nagbabasa dito dahil alam nila kung gaano ko nilaspag ang kabaliktaran n’yang sinabi ko na ‘yan. kung babalikan mo ang mga nauna ko ng mga entries malimit kong pinaglaruan dito ang isa sa pinakatipikal na kahinaan ng isang tao, ang katangahan. nagkataon lang na nung nagsisimula pa lang ako maraming tanga ang nagkalat sa mundo ng internet at naisipan nilang magkalat sa mundo ko. sila ang mga baguhang salta dito sa internet at ang paglaruan ko sila dito ang membership fee nila. hindi ako tumatambay sa internet para maghanap ng mahihina na p’wede kong paglaruan, sila ang kusang lumalapit sa akin para subukan ang kahinaan nila. ayoko sanang magsayang ng oras sa pagpatol sa kanila pero ayoko din naman magsayang ng pagkakataon para ipamukha sa kanilang mga naglalakas lakasan ang kahinaan nila. ganun ako makipaglaban, kung saan ka mahina dun kita pupuruhan ..dahil ayokong magsayang ng oras.
siguro ‘yung iba sa kanila nagpalit lang ng pangalan pero andito pa rin sa internet at umiiwas na lang sa akin, bayad na kase sila sa pagpapamiyembro dito, mas matalino na sila ngayon kesa kahapon at utang na loob nila sa akin ‘yun. ‘yung iba siguro hindi na nakabalik, natrauma at hindi ako nakukunsensya kahit kapiraso, malupit ang internet sa mga tangang naggagaling galingan dito.
at oo alam ko, mayabang akong magsulat at alam ko ‘yun. kung makapag salita ako parang mas may alam pa ako kesa sa’yo ..at alam mo ‘yun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “alam mo na alam ko”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s