psychoexbf

sa totoo lang natatangahan ako sa mga nakikipag relasyon sa mga manunulat sa internet na katulad ko. tignan mo, hindi ako nagsusulat tungkol sa mga magagarbong damit o mga isyu tungkol sa artista, hindi ito kabaklaan o mga entry na maihahalintulad mo sa “ang aking bakasyon” na ipinapasulat sa’yo ng titser mo nung elementarya ka pa dahil alam n’yang matagal mong matatapos ‘yun at makakapag pahinga s’ya. dire diretso ako magsulat at hindi katulad ng iba, mas natutuwa ako pag may nasasaktan at nasasagasaan akong pakiramdam ng ibang tao.
para mangahas ka at ikulong ako sa isang relasyon, malaking katangahan ‘yun. malaking katangahan na mapeke ka ng kung anong imahe meron si jon cabron dito sa internet, matapang daw at lahat ng problema nabibigyan ng solusyon at iniisip mo na siguro ang sarap kong kausap at kasama, pero oras na ipakita ko sa’yo ang kabilang bahagi ng mukha nun mawawalan ka ng gana at magiisip kang tapusin na lahat. mali, maling mali. kumbaga sa isang sindikato, p’wede kang kumalas pero magpakalayu layo ka na! ‘wag ka dito sa internet ko.
pag binura mo ako sa twitter, binibigyan mo ako ng lisensya na magsalita ng masasama sa’yo dun. pag binura kita sa facebook ibig sabihin lang nun handa na akong lumandi sa iba.. at ‘wag ka ng umangal d’yan sa tingin mo e hindi pantay na batas na ‘yan dahil tanggapin mo man o hindi, iyan ang batas at natural papabor sa akin ang batas na ‘yan dahil internet ko ‘to at iskwater ka lang dito.

hindi ito kabitteran o ano, ito ay usapin ng teri teritoryo. sa idad ko ngayon mas nasasaktan pa ako pag nabibigong patunayan sa akin ng nabili kong deodorant ang pangako n’ya na papuputiin n’ya ang kili kili ko kesa sa kung anong palpak na relasyon.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “psychoexbf”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s