paalam sa tiyuhin ko

dating duktor ang tatay ko na napilitan mangibang bansa matapos s’yang matanggalan ng lisensya nung nahuli s’ya ng tiyuhin ko na assistant n’ya habang minomolestya ang isang pasyente n’yang groge sa anestisya. naging malaking usapin sa lugar namin ‘yun at simula nun kinalimutan n’ya na ang pagiging beterinaryo.
bumalik lang sa akin ang madilim na ala alang ‘yan ng pamilya ko matapos ibalita sa akin ng nanay ko na namatay na ang tiyuhin ko na ‘yun nung isang araw lang. walang tunog ng galit o hinampo sa boses ng nanay ko, siguro nga nagawa rin ng panahon na hilumin ang sugat at patayin ang galit na matagal din namuo sa dibdib ng nanay ko. namatay daw ang tiyuhin ko sa pagtulog.
obligado kong tinawagan ang pinsan ko na anak ng namatay para makidalamhati. wala kaming masamang dugo nito kahit pa naging sanhi ang isyu na ‘yun sa matagal din na hidwaan ng pamilya namin. matapos ‘yun hindi na ako nakakapunta sa bahay nila kahit pa ilang bubong lang ang pagitan namin, at ganun din s’ya. pero hindi naging hadlang ‘yun para maputol ang komunikasyon namin. wala akong maisip na pampalubag loob kundi

“isipin mo na lang na wala ng mas gagaan pa sa pagkamatay habang natutulog ka, walang sakit at walang hirap”

hindi s’ya kumibo.

kundi pa napag usapan na nakasara ang kabaong ng tiyuhin ko dahil wasak ang mukha n’ya, hindi pa ako mangangating alamin ang detalye ng pagkamatay n’ya.
namatay s’ya habang nagdadrive ng lasing. ang teorya ng mga imbestigador, nakatulog s’ya habang nagmamaneho kaya sumalpok ang sinasakyan n’ya sa isang truck ng basura.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “paalam sa tiyuhin ko”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s