meron akong hindi naman kalakihang dinadala

may medyo hindi naman kalakihang problema akong dinadala ngayon. ganito kase ‘yun, may bagong dating dito sa tinutuluyan ko galing pilipinas, nakababatang kapatid s’ya nung isang babae dito. kaninang madaling araw s’ya dumating at ako naman kakagising ko lang para mag ayos na para pumasok sa trabaho, ang medyo hindi naman kalakihang dinadala ko e naririnig ko ang mga boses nila kanina habang naliligo ako at natitiyak ko na nasa sala sila ngayon.. walang paraan para hindi ko sila madaanan mamaya pag lalabas na ako,  hindi ko alam kung ano ang unang tamang sabihin ko pag nagkita kami at ipinakilala ako ng ate n’ya sa kanya.

ayan si kuya jon..

1. hi! – parang pacute..
2. ngitian ko lang kaya? – parang suplado naman.
3. hi! kamusta ang byahe? – delikado, baka magkuwento ng mahaba. late na ako.
4. mas maganda ka sa ate mo. – parang ang manyak ng dating.
5. mas maganda ang ate mo sa’yo. – bastos!
5. welcome to dubai! – parang pan-tourist guide.
6. mabuti nakadating ka ng maayos. – pang matanda.
7. magpahinga ka muna.. – parang ako ang may ari ng bahay.

update:
kakapasok lang ng kapatid n’ya dito nanghingi ng gamot sa sakit ng ulo, nasa kwarto na raw dahil nahihilo.. ibig sabihin, wala ng saysay na tapusin ko pa ‘tong entry na ‘to at ibig sabihin, nasayang lang din ang oras n’yo sa pagbabasa.

patawad.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “meron akong hindi naman kalakihang dinadala”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s