ang angry birds at patatas

sobrang late na ako kanina, ‘yung oras na dapat andun na ako sa mismong pupuntahan ko naging iyon ang oras ng labas ko sa pinto ng bahay. kailangan ko pang sumakay ng elevator at sumakay ng taxi bago ako makarating sa train na maghahatid sa akin sa dapat kong puntahan. naghahalo ang kaba at pag aalala sa dibdib ko sa takot na baka tawagan ako ng boss ko at madiskubre n’ya na nasa byahe pa rin ako, mapupurnada ang kahapon ko pa pinaplanong diskarte para pauwiin n’ya ako ng maaga sa pangkaraniwan mamaya. galing ako sa rest day, nakakatamad pang magtrabaho.
blanko ang utak ko at puno ng takot na pinapakiramdaman kung magba-vibrate ang celfone sa bulsa ng pantalon ko ng biglang pumasok sa isip ko ang isang tanong.

ilan kaya sa mga ex girlfriend ko ang nakakaalala sa akin pag naglalaro sila ng angry birds?

may mga ganun ‘di ba? ‘yung habang niloload nila ‘yung larong ‘yun bigla na lang sisilip sa gilid ng labi nila ang isang pilyang ngiti at bigla na lang silang mapapa haaaay asan na kaya si jon? alam ko may ganun e, parang ‘yung kuwento ng isang biyuda na namamalengke at bigla na lang humikbi habang pumipili ng patatas at ng tanungin ng tindera kung bakit s’ya umiiyak, isang taon pa lang daw kase s’yang biyuda at tuwing nakakakita s’ya ng patatas naaalala n’ya ‘yung itlog ng namatay n’yang asawa. tinanong ng tindera kung bakit daw, ganun daw ba kalaki ‘yung itlog ng asawa n’ya? hindi daw, pero ganun kadumi. marami akong mapapait at masasakit na nakalipas ang panandalian kong nakalimutan nung una kong narinig ang kuwento na ‘yan. nakakarelate din kase ako ….mahilig kase ako sa french fries.
patapos na ang oras ko sa trabaho ng makahagilap ako sa kung saang sulok ng utak ko ng sagot sa tanong na simula pa kaninang umaga kumukulit sa sistema ko. wala akong nakarelasyon dati na may posibilidad na makaalala sa akin habang naglalaro sila ng angry birds dahil sa simpleng dahilan na wala akong naging girlfriend na may kakayahan na bumili ng iphone o ipad.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “ang angry birds at patatas”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s