tanong sagot 23

mga sinagot na tanong.
TANONG/SAGOT

T. Simula nung minention mo ako sa twitter sinimulan ko nang icyberstalk ka. Hanga na ako sayo mula pa lang sa tumblr pero nung nakita ko ang mainblog mo e naisip kong wala pa pala yun sa totoong talento mo sa pagsusulat.🙂 -fayefiasco
S.medyo matagal mo ng naipost sa formspring ko ‘to at ngayon hindi ako magtataka kung nag iba na ang tingin mo sa akin at natuklasan mo nang puro lang pala ako kaeklatan.

T. kuya jon ilang taon ka nung una ka nakipagsex?
S.medyo malabo ang tanong mo, sa tao ba?

T. ano ang ginawa mo ngayong werkulis?
S. werkulis? wednesday na miyerkules? hmmm naglaba, oras ng laba ko ‘yun e.

T. panu babalik ang pinakamamahal ko saken?
S. depende kung kelan ka handang magpakatanga ulit.

T.
bakit ganun?
S. ganun talaga, maging masaya ka na lang na minsan hindi rin naman ganun lagi.

T. bakit ang daming pumapatol n babae s my lalakeng my asawa na?
S. basahin ang entry ko na ito. walang anuman.

T. pano po ba magtanong dito?
S.basta magsalita ka lang ng kahit ano, halimbawa purihin mo ‘ko tapos simulan mo sa salitang “bakit” ang pangungusap mo at tapusin mo sa tandang pananong. ex: bakit ang ganda ng katawan mo, boss jon?

T. mahal ba nya ako kung pumatol sya sa iba? sabi nya kc mahal nya ako..
S.alam mo kung bakit walang bitbit na kutsara at tinidor ang isang leon bago s’ya lumapit sa tangang tupa na katulad mo? para hindi mo mahalata na kakainin ka n’ya.

T. taga muntinlupa ka parin ba?
S.depende, kung isa ka lang normal na mambabasa nitong blog ko e oo tiga munti pa rin ako pero andito ako ngayon sa dubai.. at kung ikaw naman ay isang ahenteng tiga singil ng utang sa citibank ang sagot ko ay oo tiga munti pa rin ako pero andito na ako ngayon sa australia.

T. nakakasawa kna!
S.
hindi ganyan ang sinabi sa akin ng nanay mo matapos n’ya akong abutan ng allowance nung isang linggo.

T. pano ba manligaw ang isang joncabron?
S. sa totoo lang hindi ko pa nararanasang manligaw. sa interview nga hirap na hirap akong ibenta ang sarili ko para kunin nila akong empleyado, sa babae pa kaya para subukan n’ya akong maging karelasyon? swerte lang siguro na ‘yung mga naging karelasyon ko e nagkataon na gusto rin nila ako kaya walang ligawan na nangyari. binary lang.. one at zero, itim at puti, oo at hindi. kung hindi mo ‘ko gusto ngayon tanggap ko na hindi mo ako magugustuhan kahit kailan kaya aksaya lang ng oras na magligawan.. at kung gusto mo naman ako bakit kailangan pa nating magsayang ng oras? nambaka e magrelasyunan na tayo agad!

salamat.
Jon Cabron
TANONG/SAGOT

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.