multo

may mga multo na maya’t maya dadalaw sa’yo para takutin ka at guluhin ang isip mo. may mga magpapakita na hindi mo p’wedeng pagtaguan sa simpleng pagpikit lang ng mga mata at may mga madidinig ka na hindi mo mapagkukublian ng pagtakip lang ng unan sa mukha mo. maaari mong linlangin ang sarili mo at manghiram ka ng tapang sa paniniwala na wala naman talagang multo kahit na alam mo na nasa tabi tabi lang s’ya, sa ilalim ng kama mo, sa lalagyanan mo ng damit, sa loob ng telepono, at sa madidilim na lugar na ginagalawan mo. ..handang bumulaga sa’yo anumang oras.
hihintayin ko na dumating ang panahon na magkaron ako ng totoong tapang na harapin ang multong ‘yun at magkaron ng malawak na pag iisip para patunayan sa sarili ko na ang isang multo ay hindi makakapanakit ng pisikal sa akin at wala s’yang magagawa maliban sa takutin lang ako. sabi nga, kung ano ang hindi makakapatay sa akin ay s’ya pang magpapalakas sa akin. haharapin ko ang bawat pinto sa mundong ginagalawan ko na naglalaman pa ng mas maraming mga pinto at madidilim na bahagi na nagkakanlong ng iba’t ibang uri ng mga multo. magugulat ako pero hindi ako patitinag, aatras ako hindi para lumayo kundi para bumuwelo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “multo”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s